Ikaw Nga Kasi ! *Chapter XIV

241 10 1
                                    


12:15am

Ella: oo, Bakit kilala mo siya ?

Andrew: kilalang-kilala.

Andrew: siya yung ex ko.

Ella: What???

Ella: Si joanna?

Ella: yung bestfriend ko talaga ?

Ella: ex mo siya?

Ella: ikaw yung boyfriend niya?

Ella: may relasyon kayo dati?

Ella: omygod!!

12:22

Andrew: siya ang nang-iwan at nanloko sa akin.

Ella: hala!! bakit hindi ko alam ?

Andrew: siya yung nangloko sa akin. two timer siya. akala ko ako lang ang mahal ng tinatawag mong bes may iba pa pala. yun yung dahilan kung bakit kami naghiwalay. nahuli ko sila ni zack na nagyayakapan sa park. sabi niya may lakad daw sila ng friends niya nung time na yun pero tinext ko si Abby na kaibigan niya wala naman daw. sinundan ko siya kasi naabotan ko pa siya na paalis ng bahay nila at nakita ko si zack at siya.

12:29

Ella: Omygod!!

Ella: hindi ganun si joanna Andrew. hindi siya two timer. kilala ko siya...

Andrew: baka hindi mo pa siya gaanong kakilala yumi.

Andrew: kaya hindi mo ako nakilala na ako ang boyfriend ng bes mo kasi sinabi niya na ilihim daw namin ang relasyon namin. kaya pumayag ako kasi mahal ko siya. kahit hindi ko alam kung bakit namin ililihim ay sumang-ayon ako. yun pala may iba pa pala siyang boyfriend.

Ella: omygod!! bakit ganun ??

Ella: she keep pushing me na mapalapit sayo. sinasabi niya sakin about you. at gusto niya maging tayo. Naguguluhan ako.

Andrew: ako yung tinutukoy na boyfriend niya na nagpapasama siya sa NBS.

12:35

Andrew: tinext ko siya na hindi ako makakasama sa kanya kasi may practice kami ng basketball nung time na yun.

Andrew: pero biglang na cancelled kasi may urgent meeting ang coach namin. kaya humabol na lang ako sa NBS. sabi din naman kasi niya na tumuloy siya kasama kaibigan niya. kaya agad akong nagpunta. kaso magkagalit na kami nun kasi daw wala na daw akong oras sa kanya kaya  sinundan ko siya para bumawi. nung nasa labas na ako tinawagan ko siya kung nasa loob pa ba siya pero ayaw niyang sagutin.

Ella: ah.. kaya pala parang may tinatawagan ka sa labas nung nakita kita.

Ella: at kaya pala panay ring ng ring yung cellphone ni Joanna nun that time. ikaw pala yung tumawag.

Ella: ang hindi ko maintindihan, nung paikot ka sa maps section nagmamadali si joanna na lumabas sa NBS tapos nung bumalik kami sa NBS ikaw yung tinuturo ko kay joanna. kaya pala siya tagong-tago noong tinuturo kita.  sabi niya sakin.. gwapo ka daw ba? tapos sabi pa niya gusto ko daw ba kita ?  kasi willing daw siyang alamin tungkol sayo kasi same school lang daw kayo. hindi niya sinabi na ikaw yung boyfriend niya that time.

Ella: kaloka si Joanna.

Ella: gusto kong tanungin siya ngayon kaso 12hrs ago pa siya online.

12:41

Andrew: 3mons lang kami ng bes mo kasi sinungaling siya at manloloko.

Ella: grabi ka naman Andrew.. wag ka naman magsalita ng ganyan sa bes ko.

Andrew: kailan lang ba kayo naging magkaibigan ?

Ella: noong 3rd year kami. sa St. john lucas din kasi siya nag-aral last year. magkatabi kami sa upuan dati kaya sinabi naming dalawa na kami na ang mag bestfriend. bago lang siya nag-aral sa school mo. lumipat siya kasi  sabi ni Mommy niya. mas malapit daw kasi yung bahay nila sa school niyo.

12:49

Andrew: hindi pa pala masyadong matibay pagkakaibigan niyo.

Ella: pero kahit hindi masyadong matibay mahal namin ang isat-isa bilang mag bestfriend.

Andrew: talaga lang ha? bakit niya tinatago pati sayo ang lahat ng meron kami? baka hindi ka niya pinagkakatiwalaan.

Ella: basta aalamin ko muna bukas. kelangan makausap ko si joanna.

Ella: Sorry Andrew ha.. hindi ko alam.

12:57

Andrew: okay lang. ge na matulog na ako. gabi na.

Ella: sge good night.

**

7:46pm

Ella: Andrew...

Ella: Andrew i'm sorry :(

Andrew:*seen*

Ella: nalaman ko na lahat. sinabi sa akin ni joanna.

Andrew: anong nalaman mo?

Ella: sasabihin ko ba sayo? baka kasi masaktan ka.

Ella: sorry Andrew sa ginawa ng kaibigan ko sayo.

Andrew: okay lang. mejo nakaka move on na ako sa kanya. hindi na masakit kung may mabasa man ako ngayon tungkol sa panloloko niya sa akin.

Ella: sure ka ?

Andrew: oo

Ella: eh kasi.. sabi kasi ni joanna na hindi naman talaga ikaw ang mahal niya. sinagot ka lang niya dahil nalolongkot lang siya kasi nagbreak sila ng mas nauna sayo. mahal na mahal daw niya iyon...

Ella: dahil sa nanligaw ka nung time na break sila sinagot ka niya agad. at kaya ka niya sinagot agad kasi magkamukha daw kayo ng ex ni joanna na mahal na mahal niya.

Ella: pero daw nung 2 weeks na naging kayo, nakilala niya si Zack. nagkaka chat daw sila lagi kasi masaya daw si zack kausap at magkaugali si zack at nung ex ni joanna na nauna sayo. mas minahal ni joanna si zack kaysa sayo kasi ikaw daw hindi ka niya mahal. sa ayaw daw na masaktan ka ng sobra ako ang naisip ni joanna. crush daw kasi kita kaya naisip niya na paglapitin tayo.
kaya hindi niya sinabi sa akin na ikaw yung boyfriend niya nung time na yun para pumayag ako. ibinigay niya lahat ng Info's mo sa akin para alam ko. kaya niya inisip na gumawa ako ng dummy account para hindi ko makita mga pictures niyong dalawa. at kaya hindi mo matandaan na inaccept mo ako dahil siya mismo ang nag accept sa akin gamit ang account mo.

8:03

Andrew: sabi ko na nga ba eh.. tsk. wala talaga siyang kwentang girl friend.

Andrew: kaya pala familiar sa aakin ang pangalang yumi dahil yun ang binanggit sa akin dati ni joanna na bes niya raw.

Ella: Andrew maintindihan ko kung magagalit ka sa bess ko kasi kami may tampuhan kami ngayon dahil sa ginawa niya sayo. naiinis at nagagalit ako sa kanya dahil sa panloloko niya sayo.Andrew sorry ha.. nahihiya ako sa ginawa namin sayo. kasi nagamit at napaglaruan namin ang damdamin mo.

8:05

Ella: hindi ko deserve na makausap ka kasi nagamit at napaglaruan ka namin. napakabuti mong tao Andrew.. kaya wala akong karapatan na  ichachat kapa kasi sobrang sama ang ginawa namin sayo. Andrew sorry ha...patawarin mo sana kami.

Ella: nakakahiya ang ginawa namin sayo.

Ella: I'm sorry.

Ikaw Nga Kasi! (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon