Chapter 1
“Ate Jane, ate Jane.. samahan mo ‘ko manood ng Dora please?” may kumakalabit sa balikat ko pero pinapabayaan ko lang ito. Alam kong si Lorraine ito, isa ko pang nakababatang kapatid na anim na taong gulang.
Naramdaan kong humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. Nakapikit pa rin ang mga mata ko, ngunit ramdam kong kakatapos niya lang maligo dahil sa amoy niya. “Ate Jane na maganda please naman oh?” paglalambing niya ulit.
Tinakpan ko ang ulo ko ng kumot para hindi niya na ako kausapin, “Lorry, ano ba—inaantok pa ako eh.”
“Sige na po ate Jane! Kiss kita ah?” inalis niya ‘yung kumot na nakatakip at naramdaman kong umupo siya sa gilid ko. Si Lorry talaga ‘yung tipong mahilig mag lambing sa akin. Siya nga lang din nakakasundo ko eh, hindi naman kami nagkakasundo ni Cesca.
“Ugh. Lorry—“ humarap ako sa kanya at nakabukas na ‘yung mga mata ko. Inosenteng nakangiti lang siya sa akin.
“Sige na po please?” ngumiti siya ulit kasabay nang paglapit ng dalawang palad niya na tila nag pa-pray. Napabuntunghininga ako. Hindi ko alam kung susunod ba ako sa kanya o susunod ako sa tawag ng katawan ko. Inaantok pa rin kasi ako hanggang ngayon.
Ngumiti ako at nagsalita, “Si Ate Cesca mo na lang!”
“Cescaaaaaaaaaa, samahan mo nga ‘tong si Lorraine dyan sa theater!!!” nilakasan ko ang aking boses. Sapat na para marinig ni Cesca sa labas kung andun man lang siya sa labas ng kwarto. Malapit lang kasi ang kwarto ko sa theater room at sa kusina.
“Mwa!” nabigla ako nang hinalikan niya ako sa pisngi. Napakamot ako ng ulo kasi narealize kong natalo na naman ako ng sarili ko. Kapag kasi hinahalikan na ako ni Lorry ay hindi na ako makakaayaw sa gusto niya. “Ahhh! Okay pero saglit lang ah? Inaantok pa ako eh!” sambit ko at tsaka bumangon na rin.
Nagdala na lang ako ng tinapay at konting tubig sa loob ng theater room. Naabutan ko rin doon si Cesca na nakaupo sa sahig habang inaayos ang mga DVD collections niya. Andito rin naman pala si Cesca eh bakit ginising pa ako ni Lorraine para manood ng Dora?! Nakakainis lang! Pero hindi na rin ako nagreklamo kasi ayoko ng gulo.
At ewan ko daw ba sa babaeng ‘to. Si Cesca. Kung ano anong English movies ang kinokolekta, ang hilig niya talaga sa mga banyagang pelikula eh samantalang ako, ‘yung kay Billy lang ang kinaadikan ko. Wala din naman ang mga collections ko dito sa theater room kasi inilagay ko ito sa isang cabinet sa kwarto ko. Gusto ko kasi na walang nakikialam sa mga gamit ko lalo na pagdating kay Billy. Ayokong masira lahat ng tungkol sa kanya.
Sabay kaming umupo ni Lorraine sa sofa. Kinain ko na lang ang mga tinapay na dinala ko. “Hay, ano ba naman ‘yan Dora! Kitang nasa likuran mo tinatanong mo pa kami? Grabe ka naman ka bobo!” singhal ko nang makita kong nagtatanong na naman si Dora kung nakita daw ba namin ang bola na tinutukoy niya.
Tinignan ko si Lorraine at ngiting ngiti naman siya na nakatutok kay Dora. Ewan ko ba sa batang ‘to ba’t naging idol niya ‘tong negritang lakwachera.
Naubos ko na ang kinakain ko. Nagsimula na rin akong makaramdam ng pagkabagot. “Eh tanong mo nga dyan sa unggoy mong kasama nang magkasilbi ‘yan! Kainis ka talaga noh?!” sigaw ko ulit nang makitang nagtatanong si Dora kung asan daw siya pupunta. Walang silbi, bakit ba kami tinatanong? Duh!
“Swiper no swiping, swiper no swiping—tumahimik ka nga dyan! Leche talaga.” pagmamaktol ko ulit nang makitang andyan na sis wiper at todo sigaw naman si negra.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Sister of Billy Fernandez
FanfictionSikat na actor at teen heartthrob na si Billy Fernandez, kinumpirmang mayroong isang kapatid na babae. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya na kasama itong lumaki. At sa pagtungtong niya ng legal na edad, desidido na siyang hanapin ang nawawala ni...