Mabuti na lang ay kasama ko palagi si Clarissa magsimula nu'ng nagkasagutan kami ni Buloy bukod kala Dodi at Jojo.
Maliit lang din si Clarissa, maikli ang buhok, maliit na ilong, medyo matingkad ang kulay ng balat na parang may lahi, pantay-pantay ang ngipin at higit sa lahat kakaiba rin tumawa.
Halos magkaugali sila ni Buloy, bumebenta rin ang mga biro niya. Napapatawa niya rin ang buong tropa, sa kabilang banda hindi nga mabubuo ang araw kung wala si Clarissa.
Panandalian kong nakalimutan si Buloy dahil sa kanya. Pero napagtanto kong hindi kumpleto ang sistema ko kapag walang Buloy sa pang-araw-araw. Kaya pagkatapos ng halos pitong linggo na'ming hindi pagkakaunawaan, naisip kong kitain siya at makipag-usap ng maayos.
Pero no'ng nakita ko siya na binabagtas ang mahabang pasilyo umurong ang dila ko, hindi ako muling makagalaw kaya sinawalang bahala ko na lang muna, sinawalang bahala ko ang makakapal na pawis sa kanyang sintido, naisip kong baka hindi pa talaga tamang oras para sa'ming dalawa.
BINABASA MO ANG
Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The Changemakers
Historia CortaMatagal-tagal na rin pala nang bigla kang nawala. // • "This thing is a masterpiece." • squanderedlife s h o r t. s t o r y | parengtofu • (c) 2018 #1 in Literature | Watty's 2018 winner! | #TanggolWika