Winakasan ni Buloy ang buhay niya nang hindi ko nalalaman kung anong problema, walang sinuman ang nakakaalam ng problema niya.
Akala ko maayos na si Buloy, akala na'ting lahat malakas na si Buloy, akala na'tin na sa bawat "Kaya mo 'yan," "'Wag kang susuko!" "Dyusko, Problema lang 'yan!" "'Wag mo kasing problemahin ang problema, hayaan mong problema ang mamorblema sa'yo," ay isang taong punong-puno ng pag-asa ang nasa likod nito.
Pero nagkamali ang lahat.
Na sa bawat pagpapalakas ng loob ni Buloy sa bawat isa, unti-unti na siyang tinutupok ng kawalan ng pag-asa.
Ano ang dahilan Buloy? Ano ang maaari mong maging dahilan?
Napagdesisyunan kong hanapin ang kasagutan sa tanong ko.
Naghanap ako ng maaring maging sanhi ng kanyang binunga.
Ngunit nakalimutan na ng lahat si Buloy, hindi ko parin alam ang mga sagot.
Pero pagkatapos ng tatlong taon, naisip kong muling balikan ang kanilang tahanan.
BINABASA MO ANG
Buloy | Watty's 2018 Award Winner - The Changemakers
Short StoryMatagal-tagal na rin pala nang bigla kang nawala. // • "This thing is a masterpiece." • squanderedlife s h o r t. s t o r y | parengtofu • (c) 2018 #1 in Literature | Watty's 2018 winner! | #TanggolWika