Nakulangan Ata,Hindi Kinaya

40 0 0
                                    

Dear Reiders,
Kamusta ka na? Masakit pa rin ba? Alam ko. Matagal na proseso yan. Gaya ng sinabi ko. Take your time to feel the pain. Huwag natin madaliin. Normal lang ang nararamdaman mo. Lilipas rin yan. Tanggapin mo lang. Matatapos rin yan.

Gusto ko lang sana magrequest. Pwede mo ba ako dalhin sa unang araw ng inyong pagmamahalan? Yung tipo na araw araw kayo nagtetext or nagtatawagan. Paminsan pa nga ay hindi niyo maiwasan na hindi matext or matawagan. Parang hindi nakukumpleto ang araw niyo kung wala man lang reply or tawag galing sa minamahalan ninyo na EX niyo na ngayon.

Pwede niyo po ba ako dalhin sa araw na pinag uusapan ninyo ang mga pangarap niyo sa buhay ng sabay at paminsan nagbibiruan na magkaroon na ng pamilya?

Dalhin niyo ako sa araw na ipinaghahandaan ninyo ang araw bg monthsary ninyo o anniversary ninyo.

Kamusta ang mga araw na iyon? Naalala niyo pa ba? Yung masaya lang kayo. Walang iniisip kung hindi ang isa't isa. Kamusta ka bilang isang partner? Naalala mo pa ba? Yung unang araw na sinagot or niligawan mo siya?

Bakit hindi natin balikan? Alam ko masakit. Meron sa inyo nag iisip na hindi ako sensitive sa nararamdaman ninyo. Pero bakit hindi mo hayaan na balikan ang nakaraan. Baka kasi andun ang sagot at baka naman may kapupulutan tayo ng aral, na sa susunod ay maging ok kang partner or makapili ng mas ok na partner.

Meron kasi sa atin, sa una lang sweet o malambing. Maalagain o caring. Pijsan dahil kompyansa na tayo kaya hindi na natin nagagawa ng tama yung obligasyon natin bilang partner.

Halimbawa, yung nakakalimutan nmagtext man lang o mangamusta kasi nga sa busy tayo. Pero wala pong taong busy. Sadyang hindi lang natin nabibigyan ng oras kahit minuto na kamustahin ang ating minamahal.

Pwede ring, wala nang pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa buhay ng partner. Yung hindi ka na updated sa mga achhievements or problems niya dahil nga sa 1).insecure ka sa mga achievements na nakukuha niya. At 2.) naiinis ka kasi everytime ka mangamusta eh puro problema na lang ang sinasabi. Tandaan po natin na WALANG PERFECT NA RELATIONSHIP. Hindi po tayo nakatira sa FAIRYTALE land.

Kaya ata bumitaw. Kaya ka iniwan. Kasi iniisip lang natin ang mga sarili natin. Walang mutual understanding. AKO na lang parati. Ako ang dapat pinapasaya. Ako dapat iniintindi. Ako dapat ang nilalambing. Paano na yung TAYO?

Marami pang mga dahilan kung bakit iniwan tayo ng ating minamahal. At isa na nga ang nakulangan sila. Hindi man ata hinihingi na maging perpekto. Pero sana ay naging tunay tayo sa nararamdaman.

Hindi man ikaw ang nagkulang, baka siya. Or parehas kayo. Kasi hindi naman magkakaroon ng lamat ang relasyon kung both parties have mutual understanding.

Sa susunod na magkaroon ng karelasyon, ibigay na natin ang efforts,care,at understanding. Minsan lang tayo mabuhay sa mundong ito.huwag na natin tipirin.

Nagmamahal,
Rei

Dear Brokenhearted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon