Hello,Goodbye!

15 0 0
                                    

Dear Reiders,
"Goodbye", yan yung salita na pilit natin iwasan pero dumadating sa puni na kailangan natin tanggapin.

"Goodbye", ang salita na nagpatatag sa atin. Na kung saan akala na natin tapos na. Pero may pag-asa pa pala.

"Goodbye", masakit na salita na pilit natin ina-absorb dahil kailangan.

"Goodbye", ang salitang nagpabago sa pananaw natin sa buhay. Sa ating sarili. Na pwede pa palang magbago. Na may matutunan pala tayo.

Sa bawat "goodbyes", may "hello". Sa goodbye kasi, ito yung hudyat na kailangan nang tapusin. Ito ay nakakabuti sa atin at sa inyong dalawa.

"Goodbye", ito yung salita na walang pangako. Na anytime pwede kang sabihan nito. Paminsan nga hindi ka na binibigyan ng clue. Kusa na lang silang nawawala. Walang closure. Walang paalam. Unting-unti mo nararamdaman yung sakit. Yung akala ko ok ka pero hindi. Yung sinisis mo sarili mo baka ikaw yung may problema. Pero hindi. Hindi ikaw yung kay problema. Dahil pinilit mong manatili sa ikinatatayo mo. At manpinilit niyang iwan ka.

"Goodbye", ito yung salita na pwede din pala na ikaw rin yung magsabi nito. Hindi dahil gusto mong siyang saktan. Pero dahil ito ang nakakabuti sa inyo.

"Goodbye", narealize ko na ito yung panahon na makakatagpo ka ng panibagong "hellos". Ito yung araw na kung saan malaya ka na. Masaya ka.

Pero hindi kasi sa lahat ng goodbyes ay nakakalungkot. Pwede din itong maging sensyales na baka hindi tayo pwede ngayon. Baka hindi ito yung panahon para sa ating dalawa. Pwede bukas o sa ibang lugar. Baka pwede pang magbalik kung saan handa na tayong dalawa.

Itong mga "goodbyes", hindi to lahat masakit. Paminsan ito yung avenue ja kung saan binibigyan natin ng halaga ang ating sarili kasi alam natin na we deserve more than that.

Hayaan mo, itong "goodbyes" ang magpapataatag sayo sa kung anu ka kan ngayon. Itong goobye ang magsisilbing paalala na lahat ng bagay ay hindi permamente. Pwede siyang mawala sayo anytime. Kahit ngayon. Kaya ang paalala ko sayo, maging matapang ka. Maging mahusay ka sa mga desisyon mo sa buhay. Ibigay mo ng buo ang pagmamahal mo. Para kung  darating man yung goodbye, ay buo kang magpaparaya at sabihin na wala kang regrets na nakilala mo siya.

Ang goodbye ay isang pasasalamat dahil kahit sa maikling panahon ay nakilala niyo ang isat isa.

Nagmamahal,
Rei

Dear Brokenhearted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon