Bakit Masakit ang Magmahal?

10 0 0
                                    

Dear Reiders,
Ang sakit palang magmahal ng sobra,ano? Yung tipong alam mo na ibinigay mo na lahat pero parang kulang pa din?

Kapag nagmamahal pala tayo dapat handa tayong masaktan. Yung sakit na hindi mo kayang pigilan. Kasi sa lahat ng bagay kapag nagiging masaya ka,may kaakibat na kalungkutan.

Sa tuwing nakikita mo ang kaniyang mukha. Parang ikaw na ata yung pinakamasayang tao sa buong mundo. Parang gusto mo nang itigil ang takbo ng oras.

Diba ang saya lang? Ang saya ng feeling kapag may minamahal? Pero may natutunan din ako sa aking relasyon. Okay pala ang break up kapag kayo mismong dalawa ang nagdesisyon na maghiwalay na.

Hindi dahil hindi niyo na mahal ang isa't isa, kundi hindi na pwede pang ipatagal ang relasyon kaysa magkasakitan pa.

Pero masaya pala ang nagmamahal ka ng tunay. Hindi ka naghihinayang, hindi ka magsisisi. Dahil ibinigay mo yung lahat. Syempre, kulang kasi nararamdaman mo na hanggang dito na lamang. Bukas hindi mo na siya makakapiling pa. Yung biro niya,text niya, or ngiti niya. Hindi mo na makikita pa.

Alam mo, huwag kang maging malungkot ng sobra. Dahil may natutunan ka. At yung sakit na nararamdaman mo, maiibsan yan ng ngiti at ligaya dahil alam mo yung taong minamahal ko dati ay masaya na.

Yan ata ang tunay na pagmamahal. Maging masaya tayo para sa isa't isa. Kapag sinubukan mo nang ayusin pero parang kulang pa din. Gumawa na ng paraan upang hindi na kayo magkasakitan pa.

Ang saya lang pala. Ngayon ko lang maramdaman na may iba't ibang sitwasyon ang break up.

Nagmamahal,
Rei

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Brokenhearted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon