How Could An Angel Break My Heart?

23 0 0
                                    

Dear Reiders,
Sa mga oras na ito sino ang unang tao na pumasok sa isipan mo? Siya ba o iba?

Alam mo iba kasi ang dala ng ligaya nung mga kapanahunan na masaya lang kayo. Yung hindi niyo iniisip kung kailan ito magtatapos.

Para sa kanya ikaw ay isang anghel na pumadpad sa kanyang buhay. Lahat ay perpekto. Kahit anong opinion ng iyong mamga kaibiga ay balewala sa iyo.

Dumating sa point na akala mo siya na talaga. Siya na yung taong gusto mong makita sa iyong paggising. Siya yung anghel na akala natin na pagagalingin tayo kapag tayo ay may sakit at makikinig sa mga problema natin.

Pero paano kung kasalungat ito sa ating expectations? Paano kung siya pala ang magbibigay ng sakit at pagdadalamhati? Paango kung ang anghel na iyon ay kusa na lamang mawawala?

Ano lang kaya ang gagawin natin kung yung natatanging nagbibigay ng inspirasyon natin ang siyang sisira nito? May pag-asa pa ba na bumangon?  Paano? Na sa bawat tugtug ng mga kanta ay parang sayo nakatira. Sa bawat oras na wala kang kausap, siya lang naiisip mo. Iiyak ka. Mawawalan ka nang gana kumain. Kukunin mo lahat ng memorabilia na ibinagay niya sayo.

Pilit mo mang tanunging ang iyong sarili kung saan ka nagkulang pero wala nang paraan. Pilit mong iniintindi kung bakit ang isang anghel ay kayang saktan ang iyong puso. "Bakit?"
Tanong mo sa sarili.

Nasaan ang anghel na aa unang araw nagpapasaya sayo? Nasaan na siya? Kaya mo pa ba? OO, kaya mo. Kaya mong makalimutan ang mga sakit na nararamdaman mo ngayon. Kaya mong bumangon at lumabas na nakangiti. Kaya mong langhapin ang sariwang hangin.

Alam ko your soul is crying. Pilit mo man tinatanong sa sarili mo. Pero awat na. Tama na. Bigyan mo naman ng time ang sarili mo.magsimula ka ngayon!

Nagmamahal,
Rei

Dear Brokenhearted YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon