Chapter 11

27 2 0
                                    

Chapter 11

Katatapos lang ng treat ni Sir Arnold sa amin sa coffee shop.

Napasarap yung usapan nila nina Vanessa at Nicholas.

Habang kami ni Jake ay medyo tahimik lang.

Kinakausap rin nila at pinupuna minsan yung pagiging tahimik namin.

Pero wala lang siguro kami pareho sa mood.

Minsan ay nakikita ko ang pagsulyap ni Jake sa akin.

Nililingon ko siya at tinatanong kung bakit. Pero wala, umiiling lang siya.

Feeling ko may bumabagabag sa kanya.

Sobrang tahimik at medyo wala sa timpla, hindi naman galit.

Naisip kong mamaya ko na lang itatanong kung bakit para may privacy naman.

Nang medyo lumalalim na ang gabi ay nag aya narin umuwi si Sir Arnold.

Nag aalala rin siya sa amin at baka daw mapuyat pa kami.

Inihatid niya na rin kami para safe.

 Hindi narin ako nag protesta kahit ayaw ko, gabi na kasi at baka mapano kami sa daan ni Jake.

Nasa harap nakaupo si Van, ako naman ay nakapagitna kila Nicholas at Jake.

Pansin ko pa din ang pagiging tahimik ni Jake. Yung pagiging tulala niya.

Bestfriend niya ko pero bakit feeling ko may tinatago siya sa akin at hindi niya masabi.

Ganoon na ba ito kabigat para hindi makwento sa bestfriend?

Feeling ko tuloy parang may isang malaking pader sa gitna naming dalawa ni Jake kahit na magkatabi lang kami.

Hai, napapabuntong-hininga nalang ako.

Ayoko ng ganitong silence.

"Bye guys. Bye Sir Arnold."

Pamamaalam nina Nicholas.

At kinindatan pa niya si Sir.

Napapailing nalang tuloy si Sir sa kanya at napapangisi.

"Ingat kayo, saka kayong dalawang bruha bukas 5pm hah. Pabobonggahin ko mga looks niyo wag kayong mala-late."

Napangisi naman kaming dalawa ni Vanessa. Si Nicholas talaga bading na bading.

^-^

"HAHA! Oo na ikaw talaga."

sagot ko.

"Sige na, alis na kami. Pumasok ka na sa loob at baka mahamugan pa yung ulo mo lalo ka pang maging baliw jan."

"Shut up Vanessa, Porket katabi mo lang si Sir ehh. Hmmft."

Bruhang Nicholas, hahaha. Feeling ko namumula na si Van ngayon.

Pasaway ka talaga Nicholas oh-oh.

"HAHA! Inggit ka naman. Sige alis na kame dun ka na."

Ayon ganun sana babawi.

At pinatakbo na rin si Sir ang sasakyan.

Next stop, sa apartment na namin ni Jake.

Syempre separate yon! :D

Habang nas daan, Sir Arnold broke the silence.

"Ilang taon ka ng nakatira sa apartment mo, Irene?"

Napalingon naman ako. Akala ko kasi sila ni Van ang magkausap.

Nahawa na rin ako kay Jake kanina na tahimik.

My Protector: My Heartbreaker <ON- Hold>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon