Nung gabing iyon,
nabuo sa isip ko ang isang desisyon. I missed my Dad so much, I've decided to visit him.
Panigurado matutuwa iyon, saka may kasalanan pa kasi ako sa kanya. Umalis kasi ko ng wala siya ehh, tapos hindi ko na rin siya kino-contact ni minsan.
Nagising ako ng mga 5:00am para makapaghanda na para umalis. Balak kong magpaalam muna sa boss ko na 2 days muna akong mawawala.
Habang naghahanda ng gamit ko, inisip ko na rin kung anong dahilan ang sasabihin ko para mapayagan ako ng walang kaduda duda.
As what I expected, dumating ng 6:15am si Jake sa apartment ko. Nagtaka siya kung bakit may dala akong maliit na backpack.
Tahimik lang siya habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.
"Saan ka ba pupunta? Akala ko ba wala ka ng pamilya?"
Sandali lang akong napatanga at nagsalita na rin.
"Sa Tita ko... Oo, namimiss ko na kasi yung mga pinsan ko ehh..."
Lumingon ako sa ibang direksyon habang siya naman nakatingin pa din sa akin.
Nagdududa na kaya ito, malamang hindi pa rin niya ko pinaniniwalaan, kasi naman ngayon ko pa lang sa kanya binanggit na may Tita ako at mga pinsan.
"Gusto mo samahan na kita?"
... ano raw?
Napalingon naman ako sa kanya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Wag na... Baka naman kasi hindi tayo payagan kapag pareho tayong nag-leave sa trabaho."
Nagdahilan nalang ako pero parang ayaw niyang makinig.
"Maiintindihan naman nila yun."
"Ay , naku... hayaan mo na ko. Ok lang talaga ko, promise."
Pagasabi ko nun ay umangkla ako sa braso niya. Pero, mukhang nagtampo ata siya kasi tahimik lang siya.
Tampururut naman ito.
Nang makasakay na kami, tumabi siya sa akin.
Habang nasa byahe, tahimik lang siya at seryoso ang mukhang nakatingin sa daan.
Parang malalim ang iniisip niya, nababagabag tuloy ako lalo.
Kaya lumingon nalang ako sa ibang direksyon na patalikod sa kanya.
After a while, naramdaman ko ang init ng kamay niya na hawak ang kamay ko.
Lagi naman siyang ganito ka-sweet pero hindi ko alam kung bakit matindi parin ang pagkakakilig ko.
Nilingon ko siya, nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya. Sadali lang din iyon at ngumiti na rin siya sa akin.
Nginitian ko rin naman siya kahit na pilit. Naguguilty kasi ako sa hindi ko pagsasabi sa kanya ng totoo. Nanatili lang kami sa ganoong sitwasyon habang pinaglalaruan niya yung kaliwang kamay ko.
Para ko tuloy siyang boyfriend.
Nahiya naman ako sa ibang taong kasabay namin sa jeep dahil halos lahat nakatingin sa amin.
Kumalas ako sa pagkakahawak niya ng kamay ko.
"Nakakahiya."
bulong ko sa kanya.
Napangisi naman ito ng mahina at tumango.
Nang makarating kami sa coffee shop dumiretsyo naman ako mag isa papunta ng desk ng boss ko.
BINABASA MO ANG
My Protector: My Heartbreaker <ON- Hold>
HumorWhat if magkaroon ka ng isang overprotective BESTfriend at mahulog ang loob mo sa kanya nang dahil narin sa pagiging caring nito sa'yo? Matanggap mo kaya na hindi lang ikaw ang may karapatan maglihim at magtago ng pagkatao?