Chapter 12

33 1 0
                                    

" Nicholas, baka naman mamaya kung ano na itsura ko hah."

Andito ngayon kami ni Van sa bahay ni Nicholas.

Kahapon kasi ay niyaya kami nito na siya daw ang bahala sa hair and make up namin para naman daw hindi na kami gumastos ng mahal.

Nag aalala lang kasi ako na baka mamaya masyadong bongga yung pagkaka make up niya sa akin.

as much as possible, I want to be invisible in that party.

Para hindi ako mapansin at walang makakilala sa akin duon.

Hindi naman siguro ako ibubuko ni Dad kasi hindi naman ako tumakas sa kanya.

Ang worried ako ay baka bigla niya kong tawaging anak sa harap ng mga kaibigan ko.

Sobra pa namang OA non pag namimiss ako.

Hay. 

Ako nalang ang hindi pa nakamake up.

Nauna kasing ayusan ni Nicholas si Van.

Gusto daw ni Van yung mukhang natural pero maganda.

Hindi naman pumalya si Nicholas. Kakaiba talaga powers nito.

 "Ayan, ok na."

Sa wakas nayari din ni Nicholas yung pag aayos niya sa akin.

Nilingon ko yung katabi kong salamin.

^-^

Ang ganda ko ^^

HAHAHAHA :D

Ok siya.. Natural look. Hindi OA. Good job my dear Nicholas.

This way hindi ako masyadong halatain sa party.

"Oh, Diba? Ganda noh."

"Hahaha, magaling talaga tong si Nicholas."

sabat ni Van.

"uh-oh, It's Nichole okay? No one calls me Nicholas ngayon gabi na to hah. Makakasira ng moment ko yan mamaya."

Napangiti naman kaming pareho ni Van.

"Oo na Nichole."

-- ako.

Nagvibrate bigla yung phone ni Nichole.

"Si Papa Jake nagtext, ihahatid na daw niya tayo, nasa labas na siya."

Huh? Bakit may sasakyan ba siya? Baka nag-rent? Sus, pinaghandaan naman niya masyado.

"Tara na."

sumunod na rin ako kila Van sa paglabas.

"Madir, kami'y gogora na. Babye na po."

"Sige anak, mag iingat kayo hah."

Humalik lang ito sa pisngi ng nanay niya.

Tanggap na rin kasi siya ng nanay niya kung ano siya kaya nagladlad na rin siya.

Kami din ni Van ay nagpaalam na rin at nagpasalamat saka kami lumabas ng gate.

Nakita ko yung puting Mitsubishi Adventure na sinasandalan ni Jake.

Ang pagkaka alam ko ay kay Sir Arnold ito. Hmm, pinahiram siguro.

Pero sa tutoo lang hindi naman yung sasakyan yung nagustuhan kong tignan.

Si Jake,

Napangiti ako habang tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Bagay na bagay sa kanya yung suot niyang Darkblue tuxedo na may nakapaloob na skybule na polo.

Hay sobrang gwapo tignan.

My Protector: My Heartbreaker <ON- Hold>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon