Chapter 12 part2

35 2 0
                                    

<Irene's POV>

Matapos magdedicate ni Julienne ng kanta sa family niya medyo naging tahimik na ako.

Nagpaalam rin si Jake ng magpupunta ng CR.

Si Nicholas naman parang ineenjoy na talaga yung party ni Julienne.

Parang kahit ata konti lang ang mga kakilala niya rito ay koportable siya, bagay na hindi ko naman magawa. I really feel uneasy kanina pa.

Tutal, wala naman si Jake,

Tapos si Nicholas naman busy makipagkaibigan sa iba,

Tapos yung dalawang kaharap kong mukhang busy-ng busy sa pagbobolahan...

Nagpasya akong umalis na muna ng palihim.

Tingin ko naman walang nakahalata sa pag alis ko.

Naupo ako sa isang sementadong upuan sa tabi ng isang puno.

Lumanghap naman ako ng sariwang hangin.

Mas malamig dito kaysa sa party kanina.

Pumikit ako saka huminga ulit ng malalim.

God how I miss my Dad already.

Hindi ko siya nakita sa party.

Although ayoko siya makita kanina parang mayroon pa ring parte sa puso ko na hinahanap hanap ko siya kanina.

Hindi pa rin kasi ako bumibisita roon sa bahay kahit na minsan simula nung nagdesisyon akong umalis.

Sinakto ko pang wala si Dad nung umalis ako para hindi niya ako mapigilan.

Overprotective rin kasi kahit na dalaga na ko ehh...

I just want him to realize na matanda na ko at kaya kong maging independent.

Natutuwa naman din ako kay Dad kasi napagbigyan niya ako ng chance na mapatunayan sa kanya yon.

Hindi rin naman niya ako makontak kasi nagpalit na ako ng numero.

Panigurado kasi ipapa-track ako non ehh...

Well, as for now? I still have 2 and a half years left to do my stuff.

Minsan ko na rin ginawang ipagtapat kay Jake yung totoo pero nauunahan ako ng kaba.

Lalo pa kapag binabanggit niya yung kung gaano siya kaswerte na maging kaibigan ako na laging honest sa kanya.

I always felt guilty.

Kaya lalo akong hindi makapagpatapat ng totoo.

"Oh , bored ka na ba?"

Napadilat naman ako sabay lingon sa pinanggalingan ng boses.

Ngumiti lang siya sa akin.

I don't like that smile.

Mapang akit.

Tss...

That won't work for me you moron!

Tumingin ako sa ibang direksyon.

Naupo naman ito sa tabi ko. Bahagya akong umusog para lumayo ng konti dito.

"Hmm... You don't really like me that much ei?"

Buti lam mo noh!

"Paano niyo naman nasabi yan Sir Arnold?"

Tumawa lang ito ng mahina saka naging seryoso.

"C'mon you, be honest, I won't be mad."

"Honest naman po ako sa inyo Sir."

"Sigurado ka?"

Medyo kinabahan ako sa pagkakasabi niya ng katagang iyon and the way he looked at me...

para akong bata na pinapaamin ng nagawa niyang kasalanan.

"O-Oo naman po."

"I hate to know that the people who I trust the most, lies, know that?"

Medyo nag iinit ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Parang hindi ko matanto kung ano yung ibig niyang sabihin pero kinakabahan ako.

I don't like the feeling na nangangapa ako sa susunod na sasabihin niya.

"C'mon Irene. I'm giving you a chance here."

"Huh? W-what do you mean?"

Nahalata niya yata ang pagiging kabado at pagiging uneasy ko sa sinasabi niya kaya napangiti siya.

Pero seryoso lang ang mukha ko. Hindi ko kayang sumabay sa pag ngiti niya dahil fino-focus ko ang sarili ko sa pag iisip kung ano ang ibig sabihin ng kaharap ko na to.

Does he know something??

"Well, I guess hindi ka pa handa. But believe me Irene, It's better to be comfortable with the truth."

Sabay taas niya sa kanang kamay ko at hinalikan iyon.

Pero ni hindi ko na iyon napansin dahil parang tinutunaw ako sa kinauupuan ko.

Bakit parang alam niya...

Or iba yung ibig sabihin niya.

Nakakainis kasi hindi ko makuha yung ibig niyang sabihin kaya hanggang ngayon tuloy na nakauwi na kami yun pa din ang nasa isip ko.

Seems like napansin naman agad ni Jake yung pagiging tahimik ko kaya nagpapakakengkoy nanaman ito.

Pero nginingitian ko lang siya everytime ginagawa niya yun.

Bothered talaga ako. I feel something bad will happen, and its coming fast.

"Oy ! kanina ka pa talaga tulala, baka mamaya nababaliw ka na jan, hindi ka pa nagsasabi."

Naglalakad na kami papunta sa pinto ng apartment ko.

Hindi ko lang siya pinansin, wala talaga dun yung focus ng utak ko ngayon.

Pagbukas ko ng pinto nilingon ko siya.

"Pasok ka muna?"

"Wag na, magpahinga ka nalang. Wala ka yata kasi sa mood makipagbiruan ngayon."

Seryoso ang mukha niya. Naguilty naman ako ng konti.

"Ay , sorry Jake."

"Ok lang bang sabihin mo sa akin kung ano yung bumabagabag sayo ngayon?"

"W-wala."

"Sigurado ka?"

"O-oo... yeah I'm sure."

"Well, Irene alam kong meron. Pero hindi kita pipilitin sabihin sa akin. Basta sana pag ok ka na pwede mo namang sabihin sa akin, anytime."

Pinisil niya ng bahagya yung ilong ko.

Napapikit lang ako ng sandali saka ngumiti.

Yep...

I'm lucky to have you...

My dear bestfriend.

...............................................................................................

Tomorrow nalang ulit.

'zAnds ♥

My Protector: My Heartbreaker &lt;ON- Hold&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon