"Good day Miss, I'm butler Chris. Nice to finally meet you."
the guy politely handed over his right hand for a greetings.
"Good day to you too." bati ko na tantsya ko ay nasa halos 20+ palang.
Pinakilala kasi ako ni nanay Lenny sa mga bagong tauhan sa hacienda.
Sa nakalipas na dalawa at kalahating taong na nawala ako, masasabi kong napalaki ng nabago sa hacienda.
Patuloy ang malakas na pag-ugong ng hacienda kahit na madalas wala si Dad para sa mga business trip niya.
"Anak... siya yung pinagkakatiwalaan ng Daddy mo tuwing wala siya rito sa hacienda. Para raw may nakakagalaw ang lahat kahit wala siya."
Tumango lang ako sa sinabi ni nanay Lenny.
Ngumiti ng malapad yung butler sa akin. He's polite... and cute. Someone reminds me of him.
Magaan ang loob ko sa kanya. Unang tingin ko palang mapagkakatiwalaan na.
"So Chris right?"
--sabi ko.
"Yes, miss... but you can also call me Butler Chris if you want."
"Nahh... masyadong mahaba diba?"
sabay ngiti ko sa kanya.
"Kung saan po kayo komportable."
"Ahmm... mas comportable ako kung wag na miss ang tawag mo sa akin. Ate Paula nalang ok?"
"Ate Paula."
Nanigiti naman ako ng malapad.
"Yan... better."
"Oh siya... iwanan ko na muna kayo hah... at marami pang aayusin sa mansion. Oh Chris i-tour mo muna siya sa mga bago dito hah."
Tumango naman si Chris kay nanay Lenny. Umalis na rin si nanay saka niya ko hinrap.
"So... Ate Paula, this way please?" polite na pag-aya niya sa akin.
Dinala niya ako sa taniman ng mga Calamansi at iba pang mga halaman. Pinakita niya rin sa akin yung naging bunga ng pagsisikap ni Dad sa negosyo.
"Marami na palang nagbago dito... ilang taon na ka na ba nandito?"
"Dalawang taon na rin po siguro."
Napatango naman ako.
"Simula po kasi ng umalis si kuya ako na yung pinalit na butler. Mga 5 buwan niya kong tini-train para pag alis niya pwede na akong magtake over sa position niya habang wala siya."
Napatanga naman ako.
So meaning dati pa pala may butler si Dad. Hindi ko man lang alam na mayroon siyang butler. Masyado na talaga akong hindi naging aware sa nangyayari noon.
"Ate?"
Bigla ay nabaling sa kanya ang kanina ay naglalakbay kong diwa.
"Yup?"
Pero nginitian lang niya ko. Naaaliw ata sa pagiging tulala ko.
"Hindi ko kasi alam na may butler si Dad. Bakit naman daw umalis yun dati?" tanong ko.
Nagkibit balikat naman ito.
"Hindi ko rin alam. Ayaw nilang ipagsabi. Pero ang alam ko, he's still working with your Dad."
"Ahh.. maybe Dad send him to other country."
"Baka po."
Ngumiti naman ito at nagpatuloy na ring naglakad.
BINABASA MO ANG
My Protector: My Heartbreaker <ON- Hold>
HumorWhat if magkaroon ka ng isang overprotective BESTfriend at mahulog ang loob mo sa kanya nang dahil narin sa pagiging caring nito sa'yo? Matanggap mo kaya na hindi lang ikaw ang may karapatan maglihim at magtago ng pagkatao?