Lianne's POV
"Lianne!!!" Napasugod naman agad ako sa kwarto pagkasigaw na pagkasigaw ni ate lia ng pangalan ko. Nako, ayan na naman si ate. Siguro late na naman sa company niya yan kaya sinisigawan na naman ako -____-
"Ano ba yan lianne!! Dalian mo nga!!" Reklamo naman ni ate habang pinaplantsa ko yung damit at skirt niya. Paano ba naman kasi, ang napakabait kong ate late na naman sa company niya. Haha.
Dali-dali ko naman tinapos yung pagplantsa tsaka ko padabog na inabot kay ate yung damit niya. "Oh ayan na ate! Sana kasi gumising ka ng maaga diba? Nahiya naman si yaya sayo.."
Natawa naman sakin si ate kaya nagkunwari na rin akong nagtatampo. "Halika nga dito." Niyakap ko naman agad ni ate. "Hahahahaha ikaw naman minsan, lang maglambing si ate."
"Wow ha. Ang lambing mo nga ate. Pagmadaliin ba naman ako magplantsa? Nagkapaso pa tuloy ako.." *pout* Ang sakit ng paso ko, seryoso! >.<
"Hahahaha sorry na.."
"Nako, kung di lang talaga kita mahal ate! Haha. Sige na, sige na.. Magbihis ka na at mag ayos baka paghintayin mo na naman yung mga buisness partners mo!"
"Hahaha oo na. Pati ikaw. Mag ayos ka na kasi baka mamaya sunduin ka naman ng manliligaw mo dito. Yieeee."
"Hindi ko nga manliligaw yun!!"
"Sus. Defensive! Haha." Pahabol ko naman na sabi ni ate pagkalabas ko ng kwarto niya. Tss, baliw talaga yun si ate. Lagi niya kong nili-link kay je. Anyways, si jerald kasi yung bestfriend kong abnormal na na lagi sakin ni-lilink ni ate ngayon. Ewan ko ba dun bat gustong-gusto ni ate si je, para sakin! >//< Pero thankful naman ako kay je na nandyan nung mga panahon na hindi ako okay.. aish! Kalimutan na nga natin yun! And unti-unti narin naman na kong nakakamove-on kay bill ngayon.
Ginamot ko naman na muna yung paso ko tsaka ko naligo at nagbihis ng simpleng floral dress. E-eto kasi yung binili sakin ni je na suotin ko daw ngayong friday. Ewan ko ba dun! Abnormal talaga yun kasi minsan trip nun na tumambay lang kami sa mall, ganun. O di kaya dyan sa may park and dito sa bahay, mga movie marathon ganun. Hahahaha kaya nga naging bestfriend din ang turi ko kay je, kasi magkasundo kami sa lahat ng bagay at sa lahat ng kalokohan o trip namin sa buhay.
--
"Haha. Ano na naman bang trip to, je? Bakit may pa blind fold blind fold ka pang nalalaman?" Sabi ko kay je habang inaalalayan niya ko pababa ng sasakyan nila. Loko kasi to may pa blind fold-blind fold pang nalalaman!
"Basta.. You'll see."
"Haha leche ka! Wag mo ko bibitawan baka madapa nalang ako bigla ha."
"Hahahahaha ano ka ba li, hindi ako kagaya ng ex mong gago na mang-iiwan."
Natigilan naman agad ako sa sinabi ni je. Siya din kasi yung umalalay sakin nung mga panahon na lagi akong naiyak dahil kay bill. "Osya li, nandito na tayo. You smile na. Hahaha."
Unti-unti naman tinanggal ni je yung blindfold ko and nagulat ako ng nasa may bandang baba kami ng stage ng school namin ngayon. Waaaah! A-anong ginagawa namin dito ni je e, bakasyon din ngayon. Pero sabagay, bukas naman tong school namin kahit summer. And one week nalang din pala, pasukan na namin.
Nakangiti naman si je habang unti-unti siyang lumayo sakin at umakyat na ng stage na may dalang gitara.
(Np: Lagi mo nalang ako dinidema by Rocksteddy)
Matagal ko ng gustong malaman mo..
Matagal ko ng, itinatago-tago to..
Nahihiyang mag salita at umuurong akong dila. Pwede bang bukas na? Ipagpaliban na muna natin to..
Dahil kumukuha lang ng tiyempo, upang sabihin sa iyoooooo ~
Mahal kita pero di mo lang alam ~
Unti-unti naman akong napangiti ng makakita ng sincerity sa mga mata at way ng pagkanta ni je. Bakit ganito? K-kinikilig din ba ko kay je? O.o
After naman niyang kumanta e, hinatak niya ko paakyat ng stage tsaka niya ko hinarap ulit sa baba and may mga bata na rin na nandun na may tig-iisang letter at rose na hawak-hawak.
'CAN I COURT YOU' naman yung nakalagay dun. Aww bat ang effort ni je? :')
"S-so, Lianne Marie Jane Fajardo. Can I Court You? Payag ka na ba na magpaligaw? :)"
A-ano nga bang isasagot ko? Handa na ba kong magmahal ulit?
N-naka move-on na nga ba ko ng tuluyan kay bill?
B-b..bigyan ko na rin ba ng chance si je? After all nung efforts niya at nagawa niya para sakin. S-siguro..
"Y-yes."
BINABASA MO ANG
BaL ♥ (Bill and Lianne :">)
Teen FictionSecond time around? Ng childhood sweetheart ko na nagawa kong iwan ng walang dahilan for almost five years? Is there another chance? Another chance for us?