Lianne's POV
T-t..totoo ba lahat ng to?
S..s-si bill... Waaaaaaaaaah!!!! BUMALIK NA SIYA???! AT TALAGANG MAKAKASAMA KO PA MAMAYANG UWIAN TO SA DETENTION? >//<
Je naman kasi e!! Kundi lang sana siya tumawag kanina at may pa imissyou-imissyou na nalalaman edi sana hindi ako na pagalitan ni Ms. Kath Vergara. Malay ko ba na si mam vergara din pala magiging adviser ko e, siya nga pinakakatinakutan na teacher sa buong highschool department ng dahil sa katarayan at pagiging strict niya para daw maging disiplinado kami.
Kamalas-malasan nga naman oh T_________T
Nakangiti naman tumabi sakin si bill at talagang kumindat pa! Waaah! Kapal ng mukha! "Excuse me mister, may upuan pa sa harapan oh!" Reklamo ko naman agad sakanya pagka-upo na pagka-upo niya. Kapal ng tinga! Mapapatay ko na lang talaga bigla to o ihuhulog ko sa rooftop mamaya! >.<
Kalma lianne, kalma. "Haha. Bitter mo." *smirk*
Napatingin naman agad ako ng masama sakanya. "Malamang, ikaw ba naman iwan ng walang dahilan at ipagpalit sa iba, dba?"
Natigilan naman agad siya sa pagngiti at naging seryoso ang mukha tsaka ko tinaasan ng kilay sabay iwas ng tingin kaya, inirapan ko nalang din siya. Hmp! Kala mo kung sinong gwapo!
W-well, mas lalo nga siyang gwumapo. Aish! Basta! Naiimbyerna pa din ako sakanya!!!
Isa-isa nadin naman na kaming nagpakilala sa harapan. As usuall, first day of school e.
Nung si bill naman na yung magpapakilala e, nagsitilian agad yung iba namin classmates lalo na si bakla na nasa harapan ko. "Ang swerte mo sa katabi mo girl!! Ang gwapo!!"
"KYAAAAAAH ~"
Napatayo naman agad si Ms. Kath kaya natigilan agad sila sa pagtili. "Proceed, Mr. Ford."
Ngumiti naman na si bill tsaka nag umpisa ng magpakilala. "Good Morning everyone. I'm Peter Bill C. Ford. Bill for short. 15 years old. Kinda' good in sports especially in basket ball. Lumaki ako sa america for almost five years pero no worries, nagtatagalog naman ako. :)" Palihim namang kinikilig yung mga girls pati si bakla dito sa room. Nagpakilala lang, kinilig agad? -_-
"And by the way class, apo siya ng principal natin na si Ms. Flor and dati na siyang student dito. Bumalik lang siya dito sa pilipinas for some personal reasons pero matagal na silang nag migrate sa america."
Nakatingin naman sakin si bill habang sinasabi ni Ms. Kath yun. Eh? Problema ng mukhang bao na to sa sobrang baba naman ng buhok niya. Dati kasi laging nakataas yan, pero ngayon trip niya na ata maging emo -.-
"Oo nga miss, naging classmate ko siya nung grade 2! Nung sila pa nga ni lianne nun e. Yieeeeeee."
Agad naman nanlaki ang laki ang mata ko sa sinabi ni bea. WAAAH SIYA DIN PALA UNANG NAGPAKILALA SAMIN DATI NI BILL O//O
Naghiyawan naman agad lahat ng classmates ko and syempre may mga masama tingin sakin kesyo daw lahat nalang inagaw ko si je daw pati tong ugok na to!! WAAAAAAAAAAH MAGIGING MISERABLE PA ATA ANG THIRD YEAR LIFE KO T____T
Bat ka pa bumalik, Peter Bill? >//<
Bill's POV
Di ko naman maiwasan matawa sa mukha ni lianne na mukhang nalugi dito sa tabi ko. Hahaha.
"Oh bat ka natawa?!" Reklamo naman niya sakin.
"Bakit? Masama?"
"Oo. Lalo na kung obvious na ako naman pinagtatawanan mo."
"Hahaha sigurado ka bang ikaw? T.H mo pa rin pala hanggang ngayon."
"Kesa naman sayo, mang-iiwan."
Natigilan naman ulit ako sa sinabi niya. K-kung alam niya lang sana yung reason kung bakit nagawa namin ni kuya yun.. "Lahat naman ng bagay may malalim na dahilan."
Tinignan na rin naman niya ko ng seryoso. "Sige nga bill, anong dahilan mo?"
Di naman agad ako nakaimik. This is not yet the right time. K-kailangan kong magsinungaling. Kailan ko magpanggap na wala na siya sakin. k-kahit ang hirap.. "K-kasi.." Psh! A-ano ng sasabihin ko?
"Kasi ano? Aish!! Nevermind. Atsaka oo nga pala, matagal ng walang tayo." Para naman akong binuhusan ng ilang bloke ng yelo sa sinabi niya.. Oo nga naman bill. Ikaw tong gago na babalik nalang bigla after mo siyang iwan ng walang dahilan.
Bakit ba kasi, kami yung nag su-suffer ni kuya sa lahat ng mga kasalanan ni dad ngayon? Samin mga anak niya ba talaga napunta yung karma niya? :/
Lianne's POV
Iniwas na rin naman na sakin ni bill yung tingin niya tsaka nagsukat na din ng notes. As usuall pag first day, papasulat sa inyo yung prayer, subjects tsaka kung anong oras per subject, recess and lunch etc xD Hahahaha.
= Recess =
Hay salamat, recess na!
Nagpray naman na muna kami and isa-isa ng bumaba. Nag ayos lang din ako ng gamit kaya kami nalang pala ni bill yung naiwan dito. Oh? Bat di pa bumaba to?
Paalis naman na ko ng harangan niya ko at hatakin ulit paupo. "What the! Ano bang trip mo?"
"Tss, nagsusulat pa ko." Pilit ko naman tinatanggal yung pagkakahawak ng kaliwang kamay niya sakin.
"Eh ano? Bitawan mo nga ko!!" Pero imbis na bitawan ako e, mas lalo pang humigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko -______-
"Samahan mo muna ko."
"Anong samahan? Ano ka, bata?"
"Hindi. Hindi ko lang kasi kaya, pag wala ka."
Natigilan naman agad ako sa paghatak ng kamay ko mula sakanya. Aish! B-bat ganito? B..b-bat ako biglang nanghina?
Halos mapatalon naman ako ng marinig ko yung boses ni je. "Li!!!!!"
"Oh je! B-bakit?"
Napatingin naman agad si je kay bill pati sa kamay namin kaya inalis ko na din yung pagkakahawak sakin ni bill. Aish!! >//< "A-eh. Bat ka kasi di bumaba li? Balak mo ba magpagutom?"
"Hin --"
Pinutol naman ni bill yung sasabihin ko. "Hindi. Sinamahan niya lang ako. Ako ng bahala magpakain sakanya."
Sinamaan ko naman agad ng tingin si bill. A-anong pinagsasabi nito?
"T-totoo ba li?" Malungkot naman na sabi ni je. WAAAH! DI LANG SIYA ISIP BATA MABILIS DIN SIYA MASAKTAN.
"H-hindi. Tara na, je. Sayo na ko sasabay kumain." Napangiti naman agad si je tsaka lumapit agad sakin.
Tumayo na rin naman na ko at nagbye-bye kay bill pero bago kami tuluyan makalabas ng room bigla ulit siyang nagsalita kaya natigilan din agad ako. "I-it's like your choosing him, over me."
O__________O
W-what did he just say?
BINABASA MO ANG
BaL ♥ (Bill and Lianne :">)
Подростковая литератураSecond time around? Ng childhood sweetheart ko na nagawa kong iwan ng walang dahilan for almost five years? Is there another chance? Another chance for us?