Two ♥

381 21 0
                                    

Lianne's POV

After ko naman pumayag na magpaligaw kay je, e mas lalo kaming naging close at open din sa isa't-isa. Well, matagal naman na kaming close pero iba na ngayon. Kasi nga, may something na din. And nakikita ko naman lahat ng efforts ni je ngayon :') Kung gaano din siya kapursigido kaya hindi ako nagsisi na bigyan siya ng chance :)

Naghahanda na rin naman na ko para sa first day ng school namin ngayon. Waaah third year life O.O

Carry ko kaya to? May mga new students kaya? Sana nga, classmates pa rin kami ni je. Simula kasi grade 6, hindi na din kami mapaghiwalay niyan ni je. Haha.

As usuall, sinundo na rin ako ni je sa bahay and sabay kaming pumasok ng school ng may matanaw akong kotse sa may parking lot ng school. Nandito kasi kami ngayon ni je, kakababa lang din namin ng sasakyan nila.

"Oh li! Anong tinitignan mo dyan?"

Tinuro ko naman agad kay je yung tinitignan kong sasakyan sa di kalayuan. "Y-yung sasakyan na yun. Parang familiar kasi.." Hmm.. san ko nga ba nakita yung sasakyan na yun?

"Ahh.. sus. BMW lang e. Pangsosyal lang kaya siguro pamilyar sayo."

"S-sabagay."

"Hahahaha tara na nga li. Pasok na tayo, excited na din ako makita kung ano magiging section at magiging classmates natin." Hinatak na rin naman na ko ni je papasok ng school. Abnormal talaga to, ang hilig manghatak habang naka-akbay pa -.-

Pagkapasok palang naman namin ng school e, pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante. Lalo naman yung mga fangirls neto ni je, isa kasi siya sa mga hearthrob ng school namin. "Hirap talaga maging gwapo."

Tinanggal ko naman na yung pagkaka-akbay sakin ni je. "Kapal ha. Haha."

"Hahahaha ikaw na nga tong may gwapong manliligaw li e."

Ramdam ko naman yung pamumula ko. aish! Oo na! Siya na gwapo >//<

Ako naman yung nanghatak kay je papalapit dun sa may bulletin board. Nandun na kasi nakalista yung mga section namin.

At dahil sa sadyang maliit ako at madami rin students na tinitignan din kung anong section nila e, si je nalang din muna pinatingin ko kung anong magiging section namin.

Malungkot naman na bumalik si je, sakin. "Oh? Bakit?"

"Li.. di tayo classmates. First section ka pa din, tapos second section lang ako. Sakit sa puso li.. Nahiwalay na ko sayo." *pout*

Di ko naman maiwasang matawa sa itsura ni je ngayon. Hahaha may pagka-isip bata din kasi na ewan to. Sabi ko sa inyo, abnormal din yan. "Hahaha yuck je! Wag ka nga magpout!"

"Eh kasi li! Tss. Bat hindi kita classmate?" *pout*

Hinampas ko naman agad si je para tumigil na sa kakapout. Haha kalalaking tao tas nagpa-pout -__- "Pwede naman siguro magpalipat ng section dba?"

Lalo naman lumungkot yung mukha ni je. "Hindi na ata e.."

"Hahahahahaha umayos ka nga je! Ngumiti ka na! Hatid mo nalang din muna ko sa clasroom ngayon."

Ngumiti na rin naman si je sakin tsaka ko hinatid sa magiging clasroom ko. Magkatapat nga lang kami ng clasroom kaya kahit papano, parang magkalapit na rin kami ni je and transparent naman yung windows ng clasroom kaya daw masisilip at mababantayan ako ni je >//<

After asdfghjklminutes e, nagtext si je na silipin ko daw siya sa clasroom nila.

Pagkasilip ko naman e, may hawak siyang papel na may nakalagay na, 'I Miss You Li.' kaya pati yung ibang classmates niya at classmates ko e, naghiyawan pa.

WAAAAAH!! ABNORMAL TALAGA TO SI JE! O/////O

Bill's POV

Tss.

Nakakatamad naman pumasok. Kung dito nalang kaya ko sa kotse na to habambuhay noh? baka masaya pa -____-

"Sir? Hindi pa po ba kayo papasok? Baka po late na kayo. First day na first day pa po ng klase." sabi naman ni kuya junie habang nakahiga parin ako dito sa may backseat at nakikinig lang sa ipod ko.

"Di sige kuya, maya-maya na."

Napabuntong hininga nalang din naman si kuya junie. Eh sa tinatamad pa ko pumasok ng school e. Tss, it's been a long time..

Almost five years na din simula nung iwan ko ang pilipinas. Pero, alam ko sa sarili ko na matagal ng naiwan at nandito ang puso ko. Matagal ng na kay lianne yun..

After 15 minutes e, napag-isipan ko na din pumasok ng school. Yun! Buti naman wala na din mga estudyante dito sa hallway alam ko na din naman na yung section ko kasi nga si lola yung principal ng school na to. As usuall, first section -.-

Papasok naman na sana ko ng clasroom ng matanaw ko si.. l-l..Lianne.

Kaya lang may tinatanaw siya sa katapat ng clasroom namin at ayun nga, may mokong na nakatayo dun na may hawak hawak na papel na may nakalagay na, I MISS YOU LI :(

WHAT THE HELL?! SINO TONG UGOK NA --

"Ehem. Mr. Ford." Napalingon naman agad ako sa likod ko at eto na nga, ang pinaka-ayaw ko -.- "WHY ARE YOU LATE MR. FORD????" dapak. Bat ito pa magiging adviser ko?

Hinatak naman niya agad ako papasok ng clasroom at halatang nagulat lahat ng students pero si lianne, ayun nakikipag-usap pa sa phone dun sa lalaking mukhang unggoy na kinapahamak ko kanina. tss, imbis na nakapasok na agad ako ng clasroom at di na naabutan ni Ms. Rhea -.- "AND MS. LIANNE FAJARDO!" Halos mapatalon naman si lianne sa gulat kaya di ko maiwasan na matawa ng palihim.

God.. If she only knows how much I miss her..

Lalo din siyang gumanda and as usuall, magugulatin. Haha.

"FIRST DAY NG SCHOOL TAPOS GANITO? MR. FORD AND MS. FAJORDO. DETENTION AFTER CLASS."

Psh. M-mukhang sinasadya pa ata kami ng tadhana..

BaL ♥ (Bill and Lianne :&quot;&gt;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon