Chapter 2: Scared

15 2 0
                                    

Alliah's POV

It's 7'o clock in the morning and I am not ready yet. Dali dali akong bumangon at nag tiklop ng bed ko. Ginawa konna rin ang morning rituals ko then bumaba na sa dining para kumain ng breakfast. After I ate nagpahatid na ako sa University kasi malelelate na ako.

5 mins. nalang kaya Lakad.....Takbo.....Lakad ang ginawa ko para lang hindi ako malate. Malayo palang ako dinig na dinig ko na mag boses ng terror naming prof. Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok.

" Why are you late Ms. Perez? " mataray niyang sita sa akin.

" Sorry prof hindi na po mauulit " nakatungong sabi ko.

" I hope na hindi na ito mauulit Ms. Perez. You may take your seat " whoooo buti nalang.

" Yes prof sorry po ulit " hinging paumanhin ko. Naglakad na ako at pumunta sa upuan ko.

*Fast Forward*

" Ok class dismiss, you may now take your recess " sabi ng prof namin. Agad naman kaming tumayo at nagpunta na sa cafeteria upang kumain.

" Omg! mga bes si Chance oh " kinikilig na sabi ni Kulengleng.

" Omg! Oo nga tara lapitan natin " dagdag ni Kirsten.

" Hay nako! Tama na nga yan " sita ko sakanila. Dahil ang init init pero ang bagal bagal naman nilang maglakad.

" Tss kj naman nito " sabi ni kulengleng habang iniismiran ako.

" Tara na nga " sabi ni Audrey.

Pagdating namin sa cafeteria. Bumili na agad kami ng pagkain dahil mawawalan na kami ng upuan. Papunta na sana na kami sa uupuan namin pero biglang sumulpot yung anim na kolokoy na feeling gwapo sa uupuan namin. Whoo nakakabadtrip talaga yung mga yun lalo na yang si Chance daw na akala mo kung sinong gwapo. Ang pangit naman ng ugali tss. Nung nasa harapan na nila kami nagsalita si Cheska.

" Hoy! Kayo kami ang nauna dyan, lumayas kayo " mataray na sabi ni Asshieleine habang nakapamewang.

" Sino ka para paalisin ang gwapong katulad ko aber? " taas noong sabi ni Levi. Ang pinaka makulit sa kanilang anim.

" Wow! Just wow! Ikaw gwapo HAHAHA nagpapatawa kaba? " tawa ni Asshie.

" Hindi-" hindi na naituloy ni Levi ang sasabihin niya dahil sumingit na ako.

" Ahh Levi kana kay Asshie, sige alalis na kami " hinging paumanhin ko. Nakit ko naman ang mga titig ni Chance sa akin. Pero noong tumingin ako sa kanya agad siyang nag iwas ng tingin.

At ayon na nga umalis na kami dahil kapag hindi pa kami umalis baka mag karoon pa ng World War 3 kay Levi at Asshie.

Bumalik na kami sa classroom and as usual marami na namang mga gagawin dahil graduating na kami. Nauna nang umuwi ang mga kaibigan ko dahil may inuutos sa akin si Ma'am Sanchez na kailagan kong gawin sa library.

Agad akong pumunta sa library dahil baka magabihan ako. Kumuha na ako ng mga libro na kailangan ko at tinapos ang gawain ko. Mga 6:50 na ng matapos ko ang mga gawain ko. Dali dali kong kinuha ang bag ko at umalis sa library.

Pagkalabas na pagkalabas ko, wala na katao tao kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko. Habang naglalakad ako nakarinig ako ng parang may sumisitsit sa kaya naman lumingon ako. Pagkatapat ko sa tambayan nila Charwin pinsan ni Kirsten may sumitsit na naman. Namayani ang takot ko dahil naikwento sa amin na maraming kaluluwang pagala gala dito kaya pero hindi parin ako natinag. Pinihit ko ang doorknob, nagulat ako dahil bukas ito. Dali dali akong pumasok sa pag aakalang may tao pa doon. Bukas ang ilaw kaya naman malaya akong naghanap, ng biglang nagsara ang ilaw at pati na ang pinto. Bigla akong kinabahan, nagsisitayuan na ang mga balahibo ko sa sobrang takot. May nakita akong anino kaya naman mas lalong dumagundong ang puso ko aa kaba.

" Sino ka? " lakas loob kong sabi, kahit na sobrang kinakabahan na ako. Bigla namang may nahulog sa likod ko kaya naman napasigaw ako at tumakbo. Nagulat nalang ako ng may yumakap sa akin at biglang bumukas ang mga ilaw. Unti untin kong inangat ang tingin ko sa taong nakayakap sa akin ngayon. Ngunit ganon nalang ang gulat ko ng mapagtantong si Chance ito. Narinig ko syang tumawa kaya napatanga nalang ako.

" You're so funny! " tumatawang saad niya, habang hawak hawak ang tiyan. Mamatay ka sana sa kakatawa bwesit kang kolokoy ka.

" Anong 'funny' dun ha! alam mo bang takot na takot na ako ha! ano bang trip mo? " pasigaw na sabi ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Agad ko itong pinahid at lumabas na doon. Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko, si Chance.

" Ahm. I'm s-sorry " hinging paumanhin ni Chance.

" Sana hindi na maulit ito, kasi hindi mo alam ang kabang naramdaman ko. " sabi ko sabay talikod sa kanya. Naglakad na ulit ako. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

" Tara sabay kana sa akin, total ako naman ang may kasalanan, come on " sabi niya. Natawa naman ako ng kaunti dahil may accent yung pagkakasabi niya ng tagalog.Hindi naman na ako tumanggi kasi wala din naman akong sundi ngayon dahil sinabi ko na huwag na akong sunduin. Nagpatiuna na ako sa pagalalakad habang nasa likod ko sya.

" Get in " sabi niya pagkarating namin sa parking kung saan nakapark yung kotse niya.

Tahimik lang kami sa byahe at walang kibuan. Nagplay nalang siya ng kanta para mawala ang pagka ilang namin sa isa't isa.

" Saan ka nakatira "  tanong niya aa akin. Sinabi ko naman yung address at nagdrive na siya papasok sa subdivision namin.

" Dito nalang " sabi ko sakanya nung matanaw ko na ang bahay namin.
" Ahh salamat sa paghatid " pasalat ko sa kanya.

" My pleasure, and I'm so sorry about what happen a while ago " paumanhin niya.

" Ok na " sabi ko. Nagpaalam na sya. Ako naman pumasok na sa bahay at nagdiretso sa kwarto. Mamaya nalang ako mag didinner nag out of town kasi si Mommy and Daddy para sa business namin doon. Si kuya naman busy sa reataurant niya kaya naman puro katulong lang ang kasama ko dito.

----------------------------------------------
Sorry ngayon lang ako nakapag ud, marami kasing projects at mabagal ang wifi dito samin kaya sorry po talaga. Sana magustuhan niyo yung ud ko. Thank You for reading! Te amo.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon