Chapter 4: First Move

6 1 1
                                    

Alliah's POV

Maaga kong natapos ang thesis ko kahapon dahil sa tulong ni Chance. Aaminin kong magaan ang loob ko sa kanya kahapon. Parang hindi siya yung nakilala kong Chance na masungit at hambog. Nakikita kong nagbabago na siya, siguro dahil iyon sa girlfriend niya. May girlfriend na nga ba sya? Siguro nga meron na. Haisst Sunday ngayon at aattend ako ng mass kasama ang mga kaibigan ko. Bumangon na ako at nagready na, dahil baka mamaya nandito na yung mga yun. Dadaanan kasi nila ako dahil alam nilang tinatamad na naman akong mag maneho sa ngayon, kasi naman pagod talaga ako. Bumaba na ako to have my breakfast kasi maya maya ay nandito na yung mga yun. At tama nga ako dahil pagkatapos na pagkatapos kong kumain biglang may nag doorbell na agad namang pinagbuksan ni Manang.

" Let's go " aya ko sa kanila. Nagpaalam na ako kay manang at sumakay na sa kotseng dala nila Audrey.

" Oh my god! Girls tignan niyo itong update ni Charwin, nasa church din sila ghadd makikita ko nanaman si Chance owwem " kilig na kilig na sabi ni Klein habang pinapakita yung phone niya sa amin. At  ayon nga nasa church sila. Nagulat naman kami ng tumili din si Cheska.

" Emegheddd makikita ko si Shione " tili niya na may kasama pang sabunot. Weird, akala ko ba ayaw nila ang grupo nila pero bakit ganon nalang sila kung makapagreact. Hay naku! Talaga simba ang pupuntahan namin dun hindi yang mga kaechosan nila.

" Alam niyo guys, simba ang pupuntahan natin dun kasi simbahan yun pwede ba tigilan niyo na yang mga kalandian na yan ha! " sarkastikong suway ni Audrey sa kanila. Tumahimik ang dalawa at sininghalan si Audrey.

" Ang bitter mo bes hmmp! " sabi ni Klein sabay hirap. Belat naman ang sinagot ni Audrey. Naku! naku! talaga naman oh. Pero kahit ganon mahal na mahal parin namin ang isa't isa. Simula pa kasi nung mga bata kami eh mag kakaibigan na kami, sila yung nagiging takbuhan ko tuwing may mga problema ako. Sila yung tipo ng kaibigan na kahit ganyan sila kakulit eh seryoso naman sa oras na may problema ang isa, handa ka nilang damayan. Kaya nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng diyos ng mga ganitong kabubuting kaibigan, makakasama ko sa hirap man o sa ginhawa.

" Oyy! Alli nandito na tayo, tulala ka pa dyan " sita sa akin ni Klein habang nakasandal sa may pintuan ng kotse.

" Ito na! Ito na! " ang sabi ko naman. At sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng simbahan. Buti nalang hindi pa ng uumpisa. Naghanap na kami ng mauupuan pero sa kasamaang palad naroon yung mga hambog. Wala na kaming choice kasi puno na lahat ng upuan at iyon nalang ang natitirang bakante. Nasa dulo si Chance kaya naman tumayo siya upang makaupo kami sa ginta. Pero nagulat nalang ako ng tumabi siya sa akin at inusog ako mg konti para mag kasya pa ang mga kaibigan ko. Paglingon ko kay Klein at Asshieleine, impit ang natawa dahil parang maiihi na sila sa itsura nila.

Maya maya nag umpisa na ang misa. Mabilis na lumipas ang misa at ngayon mag hahawak kamay na. Naghawak hawak na kami ng kamay nasa kana ko si Klein kasunod nito si Audrey nasa kabilang dulo naman sila Asshie, Cheska, Audrey, Kirsten at Kylie. Kahawak kamay ko si Klein, pero nagulat ako ng biglang hinawakan ni Chance yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya na blankong nakatingin sa harap, agad kong ibinalik ang tingin sa harap ng tumingin siya sa akin. Hindi ko na pinansin iyon. Nang matapos ang misa lumabas na kami at bumili ng makakakain. Pagkatapos ng misa umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay dahil mag rereview pa kami para sa quiz bukas.

Nagbabasa ako ng libro ng biglang nag ring ang phone ko. Unknown number ako kaya nagtaka ako kung sino iyon. Mga kaibigan at sila Mommy lang kasi ang may alam ng number ko kaya nakapagtataka naman. Pero sinagot ko iyon, baka kasi importante yun.

" Hello " sabi ko pero ilang minuto pa wala paring sumasagot kaya naman umiling ako at papatayin na sana ang tawag ng.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon