CHAPTER 35: IT'S THE SECOND ONE

7.2K 132 14
                                    

( A/N: I am dedicating this chapter to you Shane!. Nabasa kong birthday mo eh. Sorry, di kita nabati, sira kasi yung net. Sana magustuhan mo. Salamat sa pagsuporta ng story na 'to. )

DANIELLE'S POV

"NAMAN DANIELLA LOUISE!GISING NAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! MALALATE KA NA NAMAAAAAAN! HINDI KA NA NATUTO! BANGON! BANGON!BILIS!!!."

'Aray ko.'

Eto na naman si mama. Naging instant alarm clock na naman. 

Pagkabangon ko, nakatayo na siya sa tabi ng kama ko at nakapameywang pa.

"Ma?..."

"ANO?!"

"Wag na lang kaya ako pumasok?"

"DANIELLA LOUISSSSSSSSSSSSSEEEEEEE!!."

"He-he. Sabi ko nga, papasok ako eh. Ito na nga oh, nagmamadali na ako eh. Late na kasi ako. He-he-he. " -,-

Hindi na siya sumagot.

Ako naman, nagsimula ng kumilos.

Bukod sa tinatamad ako, kinakabahan ako.

Kasi may graded recitation kami sa Chemistry.

Joke lang.

Sanay naman akong mapatayo tuwing graded recitation. Hahahaha. Hindi kasi ako nakakasagot.

Ang alam ko, isa pa lang ang nasagot ko ng tama sa lahat ng graded recitation na ginawa sa Chem. eh.

Ang tanong nun, it is the study of matter and it's properties. Ang sagot ko, solid, liquid and gas.

Nagalit yung teacher namin. Bakit kaya?

Sabi niya, sigurado daw ba ako?? Bibigyan niya pa daw ako ng chance.

Nag isip ako, eh wala akong maisip, isasagot ko na sana na sure na ako kaya lang bigla akong binulungan ni Erika nun.

Sabi niya, Chemistry daw ang sagot dun.

Ayun, sinabi ko na lang.

Umagree naman yung teacher namin.

Pero alam ko talaga, solid, liquid and gas yun eh..

Pero ano ba! Back to the topic na nga.. Kinakabahan ako, kasi...

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon