DANIELLE'S POV
Lumipas ang mga segundo, minuto, oras, araw, buwan ng hindi ko namamalayan..
Graduate na pala kami ng high school..
Hindi ko kasi alam kung ang utak ko ay nasa pag aaral ko pa..
Pero kahit ganun, gumraduate akong salutatorian ngayong 4th year..
Oo, SALUTATORIAN!
Dahil kay James..
Si James na naging inspirasyon ko para ayusin ang sarili ko..
Dahil sa panahong 'to, hindi lang ang sarili ko ang nakasalalay..
Hindi lang pangarap ko ang nakataya..
Dahil ang tutuparin ko, ay ang pangrap naming dalawa..
Malungkot pa nga ako nung una dahil hindi valedictorian ang nakuha ko..
Siguro dahil kung alam ko na kung nakakapag aral pa si James, valedictorian ang makukuha niya..
Pero hindi niya pinakitang nadisappoint siya..
Nung graduation namin, kahit nakawheel chair at pinagtitinginan siya ng mga tao, pumunta siya..
Hindi niya pinansin ang mga awa..
Ang tanging nakikita ko lang sa mga mata niya nang mga panahong yun ay saya..
Saya ng dahil sa nagawa ko..
Bakasyon na namin ngayon pero halata pa rin ang pagkadepressed ko..
Mabuti nga't hindi na ako masiyadong sinisigawan ni mama..
Tuwing may time si papa, nakikipag skype siya..
Pero parang walang nangyayari..
Hindi mabawasan ang lungkot ko..
Si James lang kasi ang tanging naiisip ko..
*ring ring *ring - - -*
Tita Jaira calling..
"Hello tita? Bakit po? May nangyari po ba?"
"Dan.. Kailangan ka namin dito sa bahay.. Pwede ka bang pumunta??"
"Ah.. Si-sige po.. Pupunta po ako agad diyan, magbibihis lang po ako.."
"Sige salamat.."
"Ok po tita.."
*toooot toooot*
Nagbihis na ako kaagad pagkababa ng phone..
Mabuti na lang at nakaligo na ako kanina..
Alam ko kasing anytime, pwede akong tawagan nila tita Jaira..
Halata sa boses ni tita ang pagkalungkot..
Hindi ko alam kung anong problema..
Sa bawat pagpunta ko sa bahay nila, kinakabahan ako..
Sa bawat hakbang ko papalapit, pakiramdam ko may panibagong pagsubok..
Nakakapagod..
Pero dahil si James yun, mas pipiliin ko na lang na mapagod..
Mabuti na lang at nandiyan sila Neil palagi para suportahan ako..
- - - -
ESQUIVEL'S RESIDENCE
Nandito ako sa salas ngayon kasama si tita Jaira, ate Jamie, at si tito Mervin..
Hindi ko maipaliwanag ang mga lungkot sa mukha nila.
BINABASA MO ANG
Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]
Romance[COMPLETED] [PUBLISHED BOOK UNDER LOVELINK] [NO SOFTCOPY] [CURRENTLY EDITING THE WATTPAD VERSION. ALL CHAPTERS REMAINED PUBLISHED. I AM ONLY EDITING ONE CHAPTER PER DAY TO REMOVE UNNECESSARY WORDINGS, TYPOGRAPHICAL ERRORS, EMOTICONS AND SUCH.] She i...