EPILOGUE:

4.6K 130 36
                                    

Who would have thought na ganito ang mangyayari sa akin?

Kung hindi siya dumating, malamang, wala ako sa kinalalagyan ko.

At first, I really HATE him.

Pero naniniwala na yata ako sa 'the more you hate . the more you love.'

Binago niya ako.

In a good way.

MY LIFE IS MISERABLE.

That's what I believe before.

Pero ngayon, ngayon na kahit wala na siya, I still believe that Life is really beautiful. Life is really wonderful. Life is really colorful.

Without this life, I will never meet him.

At kahit hindi siya nanatili sa buhay ko, yung fact na nakilala ko siya at naging parte nito, masaya na ako.

I don't care about everything.

But he came.

He came into my life and I just found myself caring about ONLY him.

Sa buhay ng tao, marami talagang darating..

Mga tao.. Mga bagay.. o kahit mga pangyayaring gugustuhin mong manatili sa buhay mo..

Pero yung iba, hindi maiiwasang nakatadhana lang para maging bahagi ng pagkatao mo..

DANIELLE'S POV

Umupo ako sa tapat ng kinalalagyan ng pangalan niya..

"Hi James! *sigh* Limang taon na pala ang nakalipas no??? Ang haba na ng panahong nagdaan.. Alam mo ba, marami akong ikukwento sayo.."

"Si Rhiane, model na.. Astig no? Naging model ang bitchesang yun! Kaya lang, marami siyang haters, kasi sinusungitan niya yung mga fans niyang hindi niya trip.. at eto pa.. engaged na siya kay Daren na isa ng chef ngayon sa isang sikat na hotel sa Manila.. Yep.. engaged na! engaged! Hanggang sa proposal ni Daren, nag aaway pa rin sila.. Ayaw daw kasi ni Rhiane yung kulay ng box ng singsing.."

"Si Neil? Ayun, nagtatrabaho siya bilang manager sa isang company sa Manila at sila na ulit ni Alexa na hanggang ngayon ay nag aaral pa rin. 10 taon kasi siyang mag aaral di ba? Doktor daw kasi talaga ang gusto niya.."

"Si Bryan, civil engineer na rin. Ang yaman na nun! Palibhasa, pumasa sa board exam.. Kaso, playboy na eh. Ewan ko kung anong nangyari dun.. Kung kailan tumanda, tiyaka lumandi. Tsk."

"Si Chris, isa ng architect! Lupet! Architect na ang loko! At alam mo ba? Yung katext niya dati na bakla daw, hindi naman pala totoo yun.. Bakla lang ang hinarap nung babae dahil natatakot siyang makipagkita kay Chris.. E ngayon, nagtagpo ang landas ng dalawa.. Ayun.. Natigil si Chris sa pangbababae.."

"Si Mark naman, computer programmer na.. Mas lalo siyang naging weird ngayon.. Ang dami niyang sinasabi na hindi mo maintindian about sa paggawa ng program.. Pero lagi siyang may kinukwentong babae na kinaiinisan niya daw.. Ang ingay ingay daw kasi.. Katrabaho niya daw yun.. Hayy.. Sila din naman niyan sa huli.."

"Si ate Jamie, kinasal last year at 3 months ng buntis ngayon.. Magkakapamangkin ka na James! Pareho silang civil engineer ng asawa niyang si kuya Raine.."

*sigh*

"Ako? Isa ng journalist sa isang pahayagan.. Akalain mo yun? Sa tanga kong 'to, naging journalist ako.. Pero alam mo James, hindi ko pa rin maiwasang isipin ka.. Kung nabubuhay ka pa kaya, ano ka na ngayon? Ano na kayo tayo ngayon? Tayo pa rin ba?"

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon