Bakit nga ba nagagawang bitawan ng isang tao ang isang bagay na nagpapasaya sa kanya?
Hindi ko alam ang sagot dahil para sa akin bawat tao ay may iba't ibang dahilan kung bakit nila nagagawa ito halimbawa na lamang ako...
Bakit tumigil ako sa pagsusulat? Alam nyo kung bakit? Hindi diba? Pero may mga dahilan na kayong naiisip na pwedeng maging sanhi nito.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako tumigil nagpahinga lang ako sa kadahilanang nagiging over ambitious ako sa mga plot ng stories ko...hindi lang iyon ang dami daming plot ang naghahalo halo sa isip ko kaya nawawalan ako ng focus sa main story ko. Nagiging sanhi sila ng clogging o pagbabara ng isip ko dahil hindi ko sila kayang ilabas ng sabay sabay.
Mahirap silang pagsabay sabayin dahil limited lang ang time ko dahil medyo na iistress din ako sa trabaho na pag-uwi ko ay minamabuti ko nalang na ipagpahinga ang utak ko o ibaling sa iba ang atensyon ko (dyan na ngayon pumapasok ang kpop, kdrama, at kung anu ano pang bagay na malayo sa kinagawian ko.) Sa ganun paraan ko kasi na didivert ang depression ko at pati narin ang stress, ang gumawa ng bagay na malayo sa kinagawian.
So yun na nga sa mga nag-hihintay ng ud ng The S.A.I.N.T.S. 2, Lakambini, Demon Fairy Tale, Gangster?? Duh?! (meron nga bang nag-aantay? Hahaha) Hintay lang kayo dyan malay nyo baka biglaan akong mag-update.
Ito nga pala yung mga list ng story na nagra-ramble sa utak ko.
*Story ni Naya
*Story ni Fia
*Isang story na mala GoT (Games of Thrones)
*Yung Ikalawang yugto ng Lakambini
*Isang story na fantasy talaga ang theme
*At isang vampire theme story.Ayan kahit hindi ako addict para akong sabog tuwing nagtatagpo-tagpo ang mga ideyang iyan sa utak ko kasama yung mga on going na nastory.
Ano pa ba?
Sige ayan nalang muna hanggang sa muli...
YOU ARE READING
Welcome to my Life (My random thoughts)
RandomAng pahinang ito ay laan para sa aking mga... Biglaang thoughts Biglaang topic Hinaing sa buhay At marami pang big