Support System

72 2 2
                                    

I have a confession...

This is I think the biggest reason kung bakit kahit tapos naman na ang mga story ko sa utak ko ay hindi ako makapag update agad. Kung dati one chapter per week ngayon inaabot ng months bago ako mag update. Marami pang ibang factors like work nadagdagan kasi yung load ko ang mostly sobrang pagod ako dahil ang haba na ng oras ko both physically and mentally I'm tired.

Next nahati ang atensyon ko dahil I found new love pfftt... what I mean is kung dati puro wattpad lang pero ngayon may kpop (mostly Seventeen lang) at kdrama na sumusundot
paminsan minsan.

Pero ang pinaka malaking factor talaga ay...

I lost my support system.

What do I mean about support system?

Para sakin sila yung mga taong laging nandyan not physically pero alam kong nandyan lang to encourage me. Isa sa pinakamalaking support system ko is my brothers but one is already gone and the other one is so busy with his own life. Sila lang talagang dalawa yung nagpapalakas ng loob kong magsulat. Then yung mga pinsan kong nagpush sa akin naipublish ang story ko dito sa wattpad. May kanya kanya narin silang buhay.

Friends? Wala talaga akong matatawag na friend since I lost my trust in friendship back in high school or nung bata pa ako ng yung isang taong tinuturing kong best friend ay hindi man lang nagpaalam sa akin nung umalis sila at lumipat sa ibang lugar. Never na siyang nakipag communicate after nun. But don't get me wrong I may be not a sociable person pero hindi naman ako close minded na tao dahil tinuturing ko paring kaibigan yung mga kakilala ko but not like the deeper meaning of friendship. Mababaw lang since alam kong hindi din naman magtatagal.

Actually yung may pinakamalaki talagang ambag sa paggana ng utak ko tuwing nag-uud ako ay yung mga operators ng accounts ng characters ko sa story. SHOUT OUT NGA PALA SA INYO!!! AYAW KO MAN AMININ PERO NAMIMISS KO RIN PALA KAYO PAPAANO HAHAHAHA!

Yung mga operator ko kasi tuwing nasa GC at in character sila nakakatuwa kasi parang live action ang dating sa akin ng SAINTS kasi nabuhay sila sa katauhan ng mga taong ito na pinagkatiwalaan kong i-handle sila. Pero hindi sa lahat ng oras masaya mas marami yang naging gulo at isyu kaya medyo nakakastress din. Kaya nagdecide ako na buwagin nalang ang operator system hahaha.

Nagkaroon din ng di pagkakaunawaan ay may mga nasaktan, nalungkot, umalis, pinalitan at may mga desisyon akong nagawa na alam kong hindi maganda hindi patas at may nasaktan talaga ako. Lahat yun narealize tuwing binabalikan ko ang mga pangyayari. Naging unfair ako sa iba masyado akong naging kampante kaya may mga nasaktan talaga.

I'm sorry sa lahat ng operators ko na nagawan ko ng mali. Sana mapatawad nyo pa ako.

Pero kahit ganun ang nagyari may mga natutunan ako in the process. Maraming salamat sa inyo! Gomapda *bow heads*

Masaya ako at nakakilala ako ko kayo at nakasama sa maikling sandaling iyon hindi man ito personal. Isa lang talaga sa inyo ang meet ko in person hahahaha.

Sa mga readers ng story gusto ko rin naman i acknowledge ang support niyo. Hindi ko naman yun dinidisregard kasi kayo ang dahilan kaya nagpatuloy ako. Naalala ko pa nga noon nagsisimula ako ang konti lang ng reads ng story ko pero dahil kahit papaano ay may nakikita ako reads sa story nagpatuloy ako hanggang sa 5 Million reads na ngayon ang The SAINTS Book 1.

But I really need a support system kahit hindi na katulad ng dati basta meron lang isang tao na paulit ulit akong kukulitin tungkol sa story ko yung sobrang curious na halos mabaliw na sa kakaisip ng what's next? I think that one person will do. Hindi yung puro 'ud na po pls.' Ayoko talaga ng ganyan pero hinahayaan ko nalang pero pinapahaba talaga nito ang desisyon ko sa pag-uupdate.

The more ud na po pls the more chances of you will not get a ud. Peace!

P.S.
Gagawa ako ng thought ko tungkol sa mga operators ko na naghandle ng acct ng mga characters ko. Comment 'ud na po please' in the comment section below. The more ud na po pls the merrier!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Welcome to my Life (My random thoughts)Where stories live. Discover now