Ilang taon na ba ako sa wattpad? Sa pagkakatanda ko 2011 or 2012 ako nagstart na unti unti makilala ito.
Dati puro soft copies pa ng stories mula dito ang nababasa ko at isa sa hindi ko malilimutan ay yung unang story mula sa wattpad na nabasa ko ito ang She's Dating the Gangster.
Ang love story ni Athena at Kenji pero kulang yung soft copies kaya hindi ko natapos...pinagpasapasahan kasi yung soft copies kaya ang ending hindi nakarating yung ending sakin.
Mahilig na akong magbasa noon ng mga stories na nagsimula sa mga pocket books hanggang sa mga english novel na impluwensya ng kuya ko.
Ito ang ilan sa mga books na nabasa ko.
*Harry Potter Series equivalent to 7 books
*The Chronicles of Narnia tatlong books lang yata nabasa ko dito.
*Percy Jackson Series
*The Alchemist ni Paulo Coelho
*Yung Cold Cold Heart na novel nakalimutan ko lang yung author suspense yung theme ng story. May serial killer kasing pumapatay ng mga babae tapos pinagtitripan niya yung katawan.
*The Chancellor Manuscript ni Robert Ludlum
*The Unborn nagulat ako sa content ng novel na ito. Nakalimutan ko narin yung author.
*Maximum Ride
*Ilan sa mga novels ng author na si John Grisham
The Firm
The Chamber
The Brethren
The Last Juror*Ilan sa mga gawa ni Dan Brown
Angels and Demons
Da Vinci Code
Deception PointMay mga novels din kami noon na trilogy pero hindi ko maintindihan kung bakit ayokong magbasa ng trilogy tulad ng Lord of the Rings, Twilight Saga tsaka Hunger Games Saga.
Marami pang novels ako na nabasa pero dahil sa sobrang tagal na nakalimutan ko na title nila.
So anong dahilan ng paglilista ko ng mga yan...simple lang kasi noong una panahon wala pang wattpad...tanging ang makakapal na librong yan ang paraan para makabasa ka ng isang magandang kwento. Ngayon dahil sa wattpad makakabasa ka ng isang story kahit saan ka man naroon gamit lang ang app nito sa cellphone. Isang click lang ang kailangan. Noon kasi hassle ang magbitbit nag novel dahil sobrang bulky at bigat nito.
Maswerte ang mga mahihilig magbasa na nagkaroon ng wattpad. Naalala ko pa nga noon naweweirduhan ako sa mga pinsan kong nagwawattpad hanggang sa na introduce nga sa akin ito. Libre kasi sa TM ang wattpad kaya yun sinubukan kong magbasa.
First ever wattpad story na nabasa ko ay ang Secretly Married... si Phoebe at Kent ang nagsimula ng kaadikan ko sa wattpad hanggang sa nagkainterest akong alamin ang tungkol sa content nito sa internet. Gumawa ako ng acct. Sept 26, 2011 or 2012 hindi ko talaga maalala. Happy Anniversary pala sa amin ni Watty. Hahaha
Nung una puro basa lang ako pero nung nagsama sama at nagkaisa lahat ng mga ideas na nabasa sa wattpad at novels, mga napanoud ko sa series, movies at anime doon ko na isinilang ang The SAINTS.
Nagpop out nalang sila sa utak ko at nag-away away kaya minabuti kong isulat sila sa notebook. Hanggang sa pinilit ako ng isa kong pinsan na ipublish ko nga sa wattpad kaya ayan 3 years in a making bago ko natapos yung book 1 samantalang yung book 2 o yung last book nakatengga. Naka on hold to forever pero always remember na walang forever. XD
So yun nga gusto ko lang batiin ang sarili ko ng Happy Anniversary sa amin ni Watty at pati narin pala kay Ondoy. ( Isa nga pala ako sa mga survivor ng Ondoy dati at Sept. 26 din yun nangyari.)
YOU ARE READING
Welcome to my Life (My random thoughts)
RandomAng pahinang ito ay laan para sa aking mga... Biglaang thoughts Biglaang topic Hinaing sa buhay At marami pang big