Ewan ko kung bakit dito na naman ako napunta...recently kasi nakaranas na naman akong magutom at matulog ng gutom...hahaha ewan ko ba trip ko lang siguro ng araw na yun pero dahil sa trip na yun may narealize ako.
Isa ang gutom sa dahilan kung bakit nababaliw ang tao. Hahaha oo pagnagpalipas ka kasi ng gutom kung anu anong ang iniisip mo katulad nalang nung naranasan ko. May mga iniisip ako na hindi naman nangyayari talaga at minsan may tendency pa na nagtatalo ang mga iniisip ko. Example sabi ng isip ko kailangan ko ng matulog dahil maaga pa pasok ko sa work at marami pa akong nakatenggang gawain pero sabi naman ng matino kong isip wala naman daw akong ganun trabaho at dahil sa nagpauli ulit yan sa isip ko hindi ako nakatulog ng maayos.
Naalala ko rin na nung college ako may kasabayan kami nung classmate kong maglakad patungong EDSA isa siyang pastor tapos may tinanong siya sa amin ng makasalubong kami ng isang baliw.
"Anong masasabi nyo sa kanya?" Tanong niya sa amin. Ako hindi kasi ako masagot sa tao pero yung classmate ko madaldal yun kaya siya yung sumagot.
Nagulat ako sa sagot niya kasi kung ako yung sasagot sasabihin ko na nakakaawa siya pero yung classmate ko sabi nya.
"Duwag siya..." Nagtaka ako at napatanong sa isip ko kung bakit yun yung sinabi niya. Maging yung pastor pero simple lang naman yung dahilan kung bakit.
"Kasi tinakasan nila ang laban sa buhay."
May tama siya pero masisisi mo ba sila? Mahirap kalaban ang buhay dito sa mundo siya talaga ang maghuhubog sa pagkatao mo. Kahit kasi minsan gusto mo pang lumaban ngunit ang pagkakataon na ang gumagawa ng paraan para sumuko ka ay magpapaubaya ka nalang. Dahil gusto mong kumain kailanga mong maghanap ng trabaho para may maipambili ka pero kung sa dami ng nilapitan mo walang nagbigay sayo matutuka nalang mamalimos o di kaya gumawa ng masama para lang makaraos. Hay mahirap talagang mabuhay.
At dahil dyan babalik uli tayo sa gutom. Gagawin mo lahat para makakain kahit isang beses lang sa isang araw pero kung hindi magtitiyaga ka nalang sa tubig pero dadating ka talaga sa puntong susuko ka nalang. Yun na ang sandaling lilipad na ang isip mo at mawawala ka na sa tamang huwisyo.
Kaya kung ayaw nyong mabaliw kumain kayo ng tama sa oras. Kung ayaw nyo namang magkasakit kumain ng masustansyang pagkain. Iwasan ang hunger games.
YOU ARE READING
Welcome to my Life (My random thoughts)
RandomAng pahinang ito ay laan para sa aking mga... Biglaang thoughts Biglaang topic Hinaing sa buhay At marami pang big