Let's talk about Kpop

91 7 5
                                    


(Medyo madrama ito...)

The reason why I'm into kpop or kdrama is very deep...because for me it is the reason I'm still alive.

Bakit ko nasabi yun? Ang bigat kasi ng dating. Kpop/kdrama SAVIOR!? Weh?Di nga?

Well simple lang naman ang sagot dyan e last year 2016 its is the hardest year for me. Early quarter palang may mga nangyari na na hindi ko inaasahan. Kagagaling ko lang sa hindi maganda taon prior 2016 dahil nung 2015 my father passed away.

So ayun na nga naging tambay ako sa ospital ng mahabang panahon dahil nagkasakit ang kuya ko. Dito yung naranasan kong ma isolate sa ibang pasyente at matulog ng may mask sa mukha. Yung mask pa naman na yun ay yung mahihirapan kang huminga dahil sobrang sakop niya yung parte ng mukha mo mula ilong hanggang baba pero tiniis ko yun para mabantayan yung kapatid kong may sakit. Kaya nung nakalabas siya laking tuwa ko bukod sa magaling na si kuya bye bye mask na. XD

Pero akala ko ok na siya yun pala may mas ilalala pa ang kalagayan niya. August 2016 nung ma-confine siya dahil sa hindi malamang sakit. Hindi siya kumikilos pagkinakausap mo siya pero alam mong buhay pa siya dahil humihinga pa.

Na ICU siya ng isang linggo dahil lumala yung kalagayan niya. Ito yung sandaling takot ako pero hindi ko pinapakita sa mama ko kasi umiiyak na siya nun habang ako nilalabanan ko kasi kami lang dalawa nandun at dapat isa sa amin maging matatag. May mga kamag anak naman kaming kasama pero iba parin yun pamilya diba. Wala pa naman nung mga sandaling yung ang bunso kong kapatid dahil nasa laot pa.

Dun ko naranasan ang mas mahirap pang sitwasyon sa ospital. Yun bang maya't maya nagigising ka para tingnan yun kalagayan ng pasyente. Kahit ba sabihing may nurse hindi naman sila agaran nandyan kung may kailangan ang pasyente. Nakalabas siya sa ICU at nalipat sa ward pero kailangan parin niyang manatili sa ospital nun kasi mahina pa ang katawan niya at kailangan pa siyang obserbahan. Ito yung sandaling nadagdagan yung skills ko kasi natoto akong magpalit ng diaper ni kuya maglinis ng dumi niya at matulog ng kaupo ng dahil sa puyat at pagod.

Sa awa ng diyos nagising siya at gumaling. Sept 2016 birthday ni mama ng makalabas siya sa ospital. Magandang regalo na yun para sa isang ina at syempre sakin dahil nalabanan ni kuya yung sakit niyang yun.

Pero sandali lang pala yung sandaling ibinigay ni lord para makasama siya...1 month and 12 days lang namin nakasama si kuya. Dahil sa komplikasyon at side effect nung mga gamot na ibinigay sa kanya bumigay at katawan niya. October 30, 2016 my brother passed away...

Nung mabalitaan ko yun parang tumigil yung mundo ko. Nawalan ng kulay... parang tinamad akong gumalaw. Ayaw magprocess ng utak ko. Tumigil yung mundo ko.

Yung taong tumayong magulang sakin wala na... yup my brother became my mother and father when our parents are not capable to be mother and father to us.

Siya yung nag-alaga sa amin nung wala si mama kasi ofw siya at si papa laging nasa kalsada at gabi ng umuuwi. Nung nakagraduate si kuya yung responsibilities na dapat sa magulang namin siya ang umako. Siya ang nagpaaral at nagpatapos sa amin ng bunso kong kapatid.

Siya din yung hadlang dun sa manliligaw ko hahaha...at higit sa lahat sa kanya ko nasasabi yung mga gusto ko talagang gawin sa buhay na hindi ko masabi kahit kanino.

Suportado niya ang pagsusulat ko ng kwento dito sa wattpad. Siya pa nga nagsponsor nung netbook ko eh. Kahit na madalas kaming mag away nun at magkatampuhan hindi naman namin matitiis ang isa't isa. Hay...nakakamiss talaga si kuya pero alam ko naman na nasa mabuti siyang kalagayan kung nasaan man siya ngayon.

Pero yung mga sandaling unti-unti ng nagsisink in sa akin na wala na talaga siya nadedepress ako parang nawawalan na rin ako ng gana sa buhay pero kinakalaban naman ako ng utak ko. Wag kaya mo pa yan! Laban pa!

Dyan na pumasok ang kpop at kdrama sa buhay ko. I used them to fight depression.

Bakit naman kpop/kdrama ang napili ko?

Simpleng sagot lang din...

Hindi ito hilig ng kapatid ko...

Reading novels, watching anime, watching US series and movies, taking care of pets at marami pang ibang iba pati sa taste of music lahat yan impluwensya sa akin ng kuya ko. Kung patuloy ko parin gagawin lahat ng bagay na makapagpapaalala sa akin sa kanya malulungkot lang ako kaya naghanap ako ng isang paraan o daan na hindi kami parehas at yun ay ang kpop/kdrama.

Pinili ko talagang magpakalubog sa kpop/ kdrama para kahit papaano ay sumaya ako. Hindi naman ako nabigo.

Kaya laking pasasalamat ko sa Blackpink at lalong lalo na sa Seventeen na kinababaliwan ko ngayon. They save me from depression.

Watching them even though I can not understand them at all time makes me happy. They make me laugh and amaze me everytime I see them perform.

Tapos dumagdag na nga ang mga kdrama na talaga namang magbibigay ng ibang feels sayo...

Alam kong matagal na ang kpop at kdrama pero never ako talagang na-hook dyan noon kasi mas lamang ang anime at American pop music sa akin.

So ayun nga ang naging paraan ko para i-heal ang isip, puso at kaluluwa ko.

Paggumawa ka ng bagay na malayo sa kinasanayan mo kasama ang taong mahal mo at nagpakalunod ka dito makakapagmove on ka.

Maaalala mo parin siya pero hindi na ganun kasakit at kalungkot.

Sige hanggang dito nalang siguro ito part na ito...

Peace yow!

Welcome to my Life (My random thoughts)Where stories live. Discover now