Speeches

120 3 4
                                    

Recently may pinuntahan ako debut. Debut yun ng pinsan ko actually at that was my first time na umattend ng debut.

(Belated happy 18th birthday nga pala uli sa kanya.)

Close kami ng pinsan kong yun kaya hindi maiiwasan na maisama ako sa mga 18 18 na yan. Nilagay niya ako sa 18 scents dapat 18 candles yun pero nirequest niya na gawin nalang scent.

Ito na ininform naman ako na may speech once ikaw na ang sasalang pero hindi ako naghanda. Sa totoo lang i don't like public speaking, yung may makakarinig sa mga sinasabi mo lalo na siguro kung on the spot kaya ayon isang epic fail speech ang nangyari hahahaha pati ako natatawa nalang pagnaalala yun.

Isa sigurong dahilan ng pagiging ganun ko ay dahil sa mahiyain talaga ako at hindi ko gusto na may mga tanong nakatingin sa akin. Kahit nga nung nag-aaral pa ako I'm more into written activities like quizzes, exams, work book, written report kesa sa oral recitation. Kahit alam ko ang sagot sa tanong ng titser eh hindi ako yung nagkukusang magtaasng kamay. Minsan nga pinamimigay ko nalang yung sagot sa mga katabi ko eh.

Isa pa sigurong dahilan ay ang pagkakaroon ko ng scattered ideas. Katulad ng pagsusulat ko ng story once na hindi ko maidugtong ang susunod na pangyayari ay maghahang ang utak ko at dahil dun mauutal na ako or worst dead air.

Pero kung napaghandaan ko siguro yun baka maging nobela naman hahaha may mga pagkakataon kasi na habang binabasa mo ang gawa mo madadagdagan ang ideas mo. Madalas mangyari sa akin yun pag sa notebook ako ng susulat ng update tapos pagtinype ko na sa computer nagbabago yung takbo ng istorya ganyan ang nangyari sa SAINTS maraming nadagdag na maging ako ay hindi ko inasahan.

Sa susunod uli...

Welcome to my Life (My random thoughts)Where stories live. Discover now