- KID's POV
Maghapon ko pa ring kinukulit si North at maghapon rin siyang nabubwisit saken. 'Hehehehe...
Hindi talaga umuubra yung mga pampakilig banat ko sa kanya. Dinaig pa ang bato sa tigas ng puso niya.
Pero naiintindihan ko naman siya kaya okay lang.
Magtyatyaga ako hanggang sa mapalabas ko ang mga ngiti sa labi niya. Hindi ako hihinto sa pagpaparamdam ko sa kanya.
As I try harder, she will eventually appreciate everything. I'm sure of it!
Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'give up' ngayon.
'Grrrrrrrr...
Uwian na at nandito ako, nakasunod lang sa kanya.
Hindi niya kasabay sila Toni at Clyde dahil may practice yung dalawa ng volleyball. Malapit na kasi ang Intrams. .I also wants to join the fest but I'm just new here. And besides, I have more important things to do.
'Si Hilaga lang ang gusto kong atupagin, hehehehehe.
Pansin ko, wala rin siyang sinalihan. 'Mas gusto niya talagang kami ang magbonding, hahaha!
Nandito na kami sa hallway at pababa na ng building.
"Tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin-tin...." Bitbit ko pa rin ang gitara ko at sinimulan kong i-strum 'to.
Stranger ng Secondhand Serenade ang tinutugtog ko.
Naisip ko na lang bigla eh.
Nanatili lang na naglalakad si North at hindi ako pinapansin, pero alam ko namang alam niyang nandito ako sa likod niya.
Sa mga bumabati pa lang saken, malalaman na niya na kasunod niya lang ako.
"Turn around... turn around and fix your eye on my direction... so there is a connection..." Hindi siya lumingon.
Lahat ng nadadaanan namin ay kinikilig.
"Ang ganda ng boses ni Kid 'no?"
"Oo nga sis eh. Oh so sexy! Ang swerte ni North, may suitor siyang kasing gwapo ni Kid!"
"Sinabi mo pa. Narinig ko nga, si North ang dahilan kung bakit nagtransfer dito si Kid! She's so lucky!
"Waaaahhhh I'm so kinikilig!"
"Who will not?"
Napapangiti ako habang pinapakinggan yung mga babaeng nadaanan namin habang patuloy pa rin akong kumakanta.
"I can't speak... I can't make a sound to somehow capture your attention... I'm staring at perfection... take a look at me so you can see... how beautiful you are..."
Bigla siyang lumingon.
Lumingon si North at tumingin saken.
Kahit seryoso ang mukha niya at walang kangiti-ngiti sa labi, ang ganda-ganda niya pa rin. She's mesmerizing.
Hindi ko napigilang mapangiti nang malawak.
Hindi ko nga alam kung nababaliw na 'ko dahil parang bumagal ang bawat segundo ko ng mga oras na 'yon na humaharap siya saken. Parang nagslow motion ang paglingon niya.
YOU ARE READING
It's Gotta Be You
Teen FictionA story of a girl with too much hatred in her heart because of an incident in the past and a boy that is very annoying, persistent and importunate. A boy who will pissed the hell out of her but eventually teach her how to love so bad. 23.07.17