- TONI's POV
Patuloy pa rin ang kasiyahan. Patuloy pa rin ang kantahan.
"Toni, can I get your number?" Literal na nagtayuan halos lahat ng buhok sa katawan ko dahil sa mainit na hiningang humampas sa may tenga ko. Nakakakiliti.
"S-s-sure..."
"Nako! Dumadamoves na naman ang pakboy ng tropa! Hahahaha!" Sabay pa kaming napalingon ni Allen kay Arjay.
"Pakyu ka Jay!"
"Toni, wag kang magpapauto dyan sa lokong 'yan. Pinakamalala samin 'yan. Payong kaibigan lang." Si Kid, seryoso ang mukha niya.
"Basag trip ka na naman men eh. 'Wag ganon!" Napailing na lang si Kid nang ibalik ko na kay Allen ang cellphone niya. Nasave ko na dun ang number ko.
"Bestfriend namin 'yon si North. Oo super ganda nung super friend ko na 'yon." Napatingin kaming lahat kay Clyde. Ang lakas na nung music pero mas malakas pa rin ang boses niya.
Napailing ako dahil halatang lasing na siya. Pulang-pula na ang mukha at katawan niya. Si Des ang kausap niya. Namumula na rin si Des pero mukhang sober pa naman.
"Bakit 'di niyo siya kasama?" Napalingon ako kay Kid. Seryoso ang mukha niya pero mas nangingibabaw ang lungkot niya. Naaawa ako sa kanya. Parang nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya.
Pareho kaming sobra magmahal. Pareho din kaming hindi mahal ng taong mahal namin. Hays.
Bumabalik na naman tuloy sa pakiramdam ko yung sakit dulot ng paghihiwalay namin ni Aaron.
Namimiss ko pa rin siya at mahal ko pa rin siya. Gusto ko siyang makita.
"Binasted niya si Kid kanina. Tinanong siya nitong gwapong 'to" Tinuro pa nito si Kid. "...kung pwede bang maging sila pero rejected ang lolo mo. Super basted! Awa tuloy ako kay Kid, huhuhu! Ang dami pa namang nanonood sa proposal niya kanina sa school."
Minsan ang sarap busalan ng bibig nito ni bakla. Masyadong madaldal. Napalingon muli ako kay Kid nang bigla itong tumayo at naglakad palayo sa grupo namin.
Nasundan namin siyang lahat ng tingin. May bitbit pa siyang isang bote ng beer.
"Hoy bakla! Ang daldal mo talaga! Happy-happy dapat eh. Ayan tuloy, nagwalkout ang birthday boy." Nilapitan ko na si Clyde at kinutusan nang mahina. Napanguso naman siya. Lasing na nga.
"Totoo Toni? Binasted si Kid?" Kenneth asked. I just nodded as response.
"How come? Ang dami-daming nagkakandarapa kay Kid." Arjay butted in.
"North is an exception." Tumango na lang sila at muling tiningnan ang dinaanan ni Kid kanina.
"Lasing na si Clyde. Hatid ko na kayo." Napatingin ako kay Allen.
"Hindi ba makakaabala sayo?"
"Not really." Nakangising sambit niya. Ggumiti na lang ako at tumango.
"Puntahan ko lang si Kid para makapagpaalam kami."
"Wag." Napalingon ako kay Des.
YOU ARE READING
It's Gotta Be You
Novela JuvenilA story of a girl with too much hatred in her heart because of an incident in the past and a boy that is very annoying, persistent and importunate. A boy who will pissed the hell out of her but eventually teach her how to love so bad. 23.07.17