- KID's POV
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil napasakay ko si North sa kotse ko. Siya ang kauna-unahang babaeng naisakay ko dito.
Wala naman kasi akong niligawang babae noon. Lalong wala akong naging girlfriend. Ni magkacrush nga ay madalang pa.
Palagi nga akong inaasar nila Allen na bakla. 'Di ko na lang pinapatulan. Alam ko naman kasi sa sarili ko na wala 'yong katotohanan. Masyado lang talaga silang judgemental.
Hindi ko rin alam kung bakit ako ganon. Madaming nagkakagusto sakin pero walang nakakakuha ng atensyon ko. Not until I met North.
She changes everything.
Ngayon ay masaya ako na wala akong nagustuhan noon. Masaya ako dahil siya ang first ko. And I will do everything for her to be my last.
Hindi ko pa siya direktang tinatanong kung pwede ko siyang ligawan. Ewan ko din kung bakit hindi ko pa ginagawa.
Siguro hindi pa ito ang tamang oras para don. Hindi pa akma sa sitwasyon.
Masaya na 'ko sa ngayon na naipapakita ko na nandito ako sa tabi niya at hindi nawawala. Masaya na 'ko sa ngayon na naipaparamdam ko sa kanya na mahal ko siya kahit pa hindi siya naniniwala.
Hindi na nawala ang ngiti ko. Pakiramdam ko, pati puso ko ay nakangiti ngayon.
"North, oo nga pala. 'Asan ang parents mo? Kayo lang kasi ni lola Lucy ang palaging nakikita ko." Nasa daan lang ang tingin ko. Hindi siya sumagot.
Saglit ko siyang nilingon pero nasa labas ang kanyang atensyon. Hindi ko tuloy nakita ang kanyang reaksyon.
Nakarating din kami agad sa kanila. Sarado na ang karinderya.
Nilingon ko siya nang ihinto ko ang kotse. Hindi siya umiimik. Kumunot ang noo ko nang bumaba na siya nang hindi sinasagot ang tanong ko.
Agad akong sumunod.
"North---"
"Wala na sila. 'Wag ka na ring magtanong dahil wala akong balak na ikwento." Ang seryoso na naman ng tono niya. Naiwan akong nakatayo sa labas at iniisip ang sinabi niya.
Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay pumasok na rin ako. Naabutan ko si lola na nanonood ng balita.
"Good evening po Lola Lucy na maganda!" Malawak ang ngiti ko sa kanya, napangiti din naman agad siya. Nakita ko pa si North na paakyat sa taas.
"Aba, magkasama pala kayo ng apo ko. Ano iho, nagkakamabutihan na ba kayo?" Naupo ako sa tabi niya.
"Hahahaha lola, hindi ko pa po masabi pero mukhang papunta na don. Mas madalas na po niya 'kong pansinin at kausapin ngayon eh. Ngayon nga lang po eh napasakay ko na siya sa kotse ko kaya hindi na siya naglakad pauwi."
"Aba'y mabuti kung ganon. Masaya akong marinig 'yan iho. Sana nga'y magtuloy-tuloy na." Masaya akong tumango sa kanya.
"Nga pala lola, tinanong ko siya kanina kung nasan ang parents niya, ang sabi niya wala na. Ano pong ibig niyang sabihin, lola?" Kita ko ang pagbuntong-hininga ni lola Lucy.
YOU ARE READING
It's Gotta Be You
Teen FictionA story of a girl with too much hatred in her heart because of an incident in the past and a boy that is very annoying, persistent and importunate. A boy who will pissed the hell out of her but eventually teach her how to love so bad. 23.07.17