Unti-unting sumubsub ang araw sa kanlurang bahagi ng dagat. Kay ganda nitong tignan. Tila isang tanawing nakakagaan ng loob.
Sana ganoon din ang problema. Sana isang buong araw lang at pagsapit ng umaga wala na. Sana. Sana.
Muling nabasag ang imahinasyon ko nang marinig ang sigaw ng nagtitinda ng isaw, barbeque, kwek-kwek at kung anu-ano pa.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sementadong harang mula sa dagat. Nasa seaside ako. Dito ako dinala ng mga paa kong nagsasabing "Marami pang paraan. Marami pang pag-asa. Nasayo ang desisyon. Humayo ka at maghanap ng lunas."
Lunas sa kakulangan ko ng pera. Lunas sa sumusubsub ko ng pag-asa.
Wala na bang lunas?
Naglakad muli ako sa direksyong hindi ko alam. Bahala na ang mga paa ko kung saan niya ako balak dalhin.
Napahinto ako nang biglang may kumabig sa braso ko.
"Ang aga mo hija ah. Magkano ka ba?"
"Paumanhin Ginoo, pero hindi ko.pinagbibili ang sarili ko. Paumanhin na po." saka ko inalis ang kamay niya at tinalikuran.
Bakit ganoon? Bakit lahat na sila? Pakiramdam ko wala ng matinoong nilalang sa mundo? Pakiramdam ko lahat sila gusto akong saktan?
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narinig ko na naman ang mahiwagang F.
"What the F, Clarisse?!! I did everything to you! Tapos ngayon? Shit! What the hell!!!? Fine. We're over!" saka niya ibinato sa kalye ang telepono niya at inapakan.
Tinignan niya ako. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?!"
Napagtanto kong kanina ko pa pala siya pinagmamasdan kaya umalis na lang ako.
Narito na naman ako sa bahay. Ang apat na sulok na nagpapaalala ng mga kahirapan namin sa buhay.
Bakit ganito? Bakit?
Tinaob ko ang alkansyang pinagiipunan ko ng mga tirang baon sa eskwela.
453. Yan lamang ang naipun ko. Kulang na kulang pa para sa pagpapagamot kay inay. Kulang na kulang pa sa naghihirap naming buhay.
Muli ko na namang pinunasan ang luhang gumugulong sa pisngi ko.
Ang hirap. Bakit ganito?
Grrrrpp. Grrrrp.
Kumakalam na ang tiyan ko.
Gutom na gutom na ako. Kanina pa ako walang kain.
Dala-dala ang apat na raan may limamput tatlong barya,lumabas ako ng bahay sa kailaliman ng gabing iyon.
Tumungo ako sa harap ng karinderyang katabi ng bar.
"Ate. Ate."
"Ano yun hija?"
"Pwede po bang kumain dito? Babayaran ko na lamag po ng serbisyo. Maghuhugas po ako ng pinggan ko kahit maglinis. Ayos na po. Basta po makakain ako."
"Sigurado ka diyan hija?!"
Tumango ako habang hinihimas ang tiyan kong kanina pa kumakalam.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kung gusto mo papahiramin pa kita ng pera mukha kaseng ang bigat bigat ng problema mong dinadala ngayon hija ee." tapos ngumiti siya.
"Talaga po? Sigurado ka po diyan ate?!"
"Oo naman. Basta magseserbisyo ka rito."
"Kahit ano po, ate gagawin ko. Salamat po."
Ngumiti siya. "Halika. Pumili ka ng ulam mo. Magpakabusog ka at mahirap ang trabaho dito."
Halos habulin ko ang hininga ko sa bawat subo ng kanin at afritadang mula sa plato ko. Pakiramdam ko isang buong taon akong hindi
kumain.
"Tubig hija. Baka mabilaukan ka." sabay patong ng isang basong tubig sa harap ko.
Tumayo ako matapos kumain.
Pakiramdam ko bumaliktad lahat ng bagay sa paligid ko. Nanlabo ang paningin ko.
Napakapit ako sa sandalan ng isang upuan.
Ang huling narinig ko mula sa babaeng tumulong sakin ay... "Sa susunod hija h'wag ka masyadong magtitiwala. Hindi lahat ng tao katulad mo. Wala ng santo sa mundo ngayon."
Nagising ako nang maramdaman ko ang pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko.
"Tumayo ka riyan. Magseserbisyo ka pa di ba?"
Isang senswal na awitin, sigaw ng mga lasing na kalakakihan at usapan ng mga babae ang nagsisilbing bacground ko habang inaayos ang pag tayo ko.
Gulat pa rin ako sa lahat ng nangyari.
Pumasok ang isang matabang lalaki sa silid na iyon kung saan lumabas si ate matapos akong buhusan ng tubig.
"Tumayo ka riyan. Marami ng costumer na naghihintay. Dali. Mag ayos ka!" kinaladkad niya ako palabas ng kwarto kung saan isang malaking salamin at kumpulan ng mga babaeng nagpapaganda habang suot suot ang piraso ng mga damit.
"A-ano pong--"
"Eto ang serbisyo. Gusto mo ng pera. Eto. Madali lang." sabi ng isang babae.
Kinilabutan ako.
"Pero po--"
Pumasok sa kwartong iyon si ate.
"Hoy. Ikaw?!" turo niya sa akin.
"Ako po?"
"Oo. Bilisan mo na ang pag aayos diyan. Ikaw ang star of the night ngayon. Ella. Ayusan yan!"
Bigla na lang akong hinila ng isang babaeng naka suot ng hapit na hapit na damit paupo sa harap ng salamin.
"Ayoko po!! Please " tatayo na sana ako ng biglang hawakan ng matabang lalaki ang magkabilang braso ko mula sa likuran.
"Tumingin ka sa salamin kundi masasaktan ka!"
Hinila niya ang buhok ko para tumungo ako sa salamin.
Unti-unting lumabas ang mga luha sa mata ko.
Bakit? Bakit ang damot ng kapalaran? Wala na ba talagang mapagkakatiwalaan ngayon?
Sa bawat pagluha ko, hinahabol naman ito ng brush na may polbos na hawak ng babaeng Ella ang pangalan.
"H'wag kang iiyak...ano ngang pangalan mo?!" tinignan niya ako sa salamin.
Hindi ko maintindihan pero tila nakapasta ang bibig ko. Ayokong magsalita. Ayokong malaman nila kahit ano sa buhay ko.
Sobra na akong nasaktan.
"Ikaw ang bahala kung ayaw mong sabihin. Nasa saiyo yan. Pero hwag kang mag alala. Pagkatapos ng gabing ito magiging normal na rin ang lahat bukas. Lakasan lang ng loob ito, Angel. Yan ang bago mong pangalan. Angel."
Binitawan na ako ng matabang lalaki matapos kong sabihing hindi na ako tatakas at bitawan niya na ako.
Pinatayo ako ni Ella at binihisan ng isang pulang panloob at hapit na hapit na itim na sleeveless at leggings na may zipper sa magkabilang gilid.
Tug!!! Tug!!! Tug!!!
Sa bawat pintig ng puso ko, takot at pangmba ang hatid nito sa akin.
Hindi ko alam kung tama pa ba ito? Dahil kahit alam kong mali wala na akong lugar para makatakas pa. Wala na akong lakas ng loob para protektahan ang sarili ko.
Puno na ako ng takot. Sobrang takot.
PAK.
Sinampal ako ni ate dahilan para maiyak na naman ako.
"Ano pang tina tayo tayo mo diyan. Pumunta ka na sa stage. Ikaw na. Dali. Punyeta!!! Paano ka niyan magkakapera kung papairalin mo yang katangahan mo. Nandito ka para magtrabaho. Ilagay mo yan sa kokute mo."
Pinunasan ko muna ang mga luha ko.
"Our star of the night, Angel."
Humakbang ako kasabay ng pagtugtug ng isang sensual na awitin.
...