Prologue: Zyra's Beginning

310 7 1
                                    

Sa mundong ito, napapaligiran ito ng kababalaghan at misteryo.

Nahahati ito sa dalawang pangkat. Siguro sabihin na nating tatlong pangkat.

Ang unang pangkat ay ang mundo ng Daria. Dito sa mundong ito naninirahan ang mga Iya, ang mga tawag sa mga nakatira sa Daria. Sa mundong ito, normal ang mga tao. Walang kapangyarihan, at walang kasakiman. Sa tatlong pangkat, sila ang pinakapayapa at pinakatahimik na mundo dahil wala silang kaprobleproblema dahil hindi sila nasasangkot saanmang mga gulo o digmaan na nangyayari.

Ang pangalawang pangkat ang mundo ng Safiara. Dito tumitira ang mga Frianda, ang tawag sa mga taong nakatira sa Safiara at ang mga taong may mga kapangyarihan. Sa Safiara rin matatagpuan ang mga iba't ibang klase ng mga taong naninirahan rito. Ang Safiara rin ang may pinakamalakas na pangkat sa mundong ito.

At ang mga Demora. Ang matinding kaaway ng Safiara. Sakim ang mga Carela at gusto nila sakupin ang Daria at Safiara dahil alam nilang malalakas ang nasa Safiara at may likas na yaman ang nasa Daria.

Dahil doon, nagkaroon ng isang malagim na digmaan. Laban ng Safiara at Demora. Ngunit nakisali rin ang mga Daria kaya maslumakas ang pwersa ng Safiara at natalo ang mga Carela.

Nang matalo ang mga Carela, isang sumpa ang magtatapos sa digmaan sa pagitan ng Safiara, Daria at Demora.

Matapos ang digmaan, nanganak ang dalawang reyna ng Safiara. Ang isa ay ang reyna ng Fiera kingdom at ang isa ang reyna ng Zyrus kingdom.

Isa ang supling na ipinanganak ni queen Azaleya, ang reyna ng Fiera kingdom. Habang dalawang lalaki at isang babae ang ipinanganak ni queen Ziekyla, ang reyna ng Zyrus kingdom.

Noong araw rin na yun ay nawala ang batang babaeng anak ng reyna Ziekyla at hari Gabriel.

Ngunit nasasaad sa propesiya na ang tatlong anak ng hari at reyna ang siyang magmamana ng tatlong malalakas na kapangyarihan.

Ang creator, ang destroyer. At ang everlasting power.

~~~~~~~~~

Hooh, natapos na rin.

Ano, nagustuhan niyo ba??

Hayaan niyo, sa susunod na chapter, english na. Mukhang nanosebleed ata kayo kakatagalog ko eh. Hahaha charots!!

Oh ano?? Just read, vote, kung gusto niyo magcomment na rin kayo. And last but not the least,

Love my story as i love you all!!

Lovelots guys!!

-misskhate

Zyra Academy: Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon