Chapter 1: Zyra Chelsea Alora Driz; The Cute Pretty Brat.
Zychea's Pov.
"Zychea, my dear wake up already! May pasok ka pa."
(A/N: Pasintable na muna ha, Zychea is pronounced as Zikeya. Got that? Now back to the story).Napamulat naman ako ng mga mata ko ng tawagin ako ni mama.
"Eto na po." Sabi ko rito at bumangon na rin ako sa malaki laki kong kama.
Pumunta naman na ako sa banyo para maligo.
Hi! Ako nga pala si Zyra Chelsea Alora Driz. 16 years old of existence. At yung ginising ako ng malakas na boses, ang pinakamamahal ko naman na mommy ko iyon. Wala na ang dad ko dahil sa isang aksidente. Sad to say. Pero eto, nabubuhay pa rin kami ng payapa ni mommy, malaki ang mansyon namin dahil mayaman kami. Pero kahit mayaman kami, may masmayaman pa sa amin.
Natapos naman ako maligo ay nagbihis ako ng uniform ko. Long sleeve blouse ito with checkered vest and skirt knee above. Yung parang sa korean ganon. Tapos knee high sock and rubbershoes. Ganyan style ko eh, pagirl sa damit pero pagdating sa sapatos boyish. Inayos ko naman ang buhok ko at nilugay ito.
Nang bumaba ako sa hagdan, nakita ko naman ang pinakamamahal kong nanay.
"Good morning mom." Sabi ko rito at umupo na para kumain.
"Good morning my dear." Sabi naman ni mommy sa akin. "Are you excited sa first day mo?" Tanong sa akin ni mommy.
"Yes mom, kanina pa nga ako excited eh." Sabi ko sa kanya.
"Hmmp, kung ako sayo baka tulog pa ako kanina pa. Ikaw talagang bata ka." Sabi niya sa akin. "Kasama mo si Drika mamaya pagdating sa school." Sabi niya sa akin.
"Mom, Drake po ang pangalan niya, hindi po Drika. At bakit nanaman ako sasama dun sa baklushing yun?" Tanong ko naman kay mommy. Ayoko lang kasing sumama ulit sa bakla kong BESPREN. Yes you read it. May bestfriend akong bakla na daig pa ang kababaiban ko.
"Ikaw talagang bata ka, magbestfriend naman kayo ah." Saway sa akin ni mommy. "At lagi mo naman siyang kasama, cause i want to make sure na wala ka nang makakaaway." Sabi ni mommy sa akin.
"Mommy, pinag-usapan na natin to diba? I'm just doing the part of my job as the future owner of our school. Ayokong magkaroon ng problema at mga bully sa school." Sabi ko rito.
"Pero imbes na ikaw ang mangsaway, eh ikaw pa ata ang nagsisimula ng away. Dear, hindi lahat ng bagay nauuwi sa dahas." Paliwanag sa akin ni mommy. "Manang mana ka talaga sa papa mo." Kitams, may pinagmanahan talaga ako no.
"Ma, mga lalaki naman ang nakakaaway ko eh. As far as i know, malilinis ang records pagdating sa mga babae. Sa mga lalaki nga lang tayo nagkakaroon ng gulo." Sabi ko rito.
"Okay fine, papalampasin ko ang ginawa mo." Sabi nito sa akin. Biglang nagring ang phone niya kaya nag-excuse naman siya. "Wait lang Zychea, sasagutin ko lang 'tong tawag na 'to." Paalam sa akin ni mommy.
"Okay." Sabi ko kaya nagpatuloy naman ako sa pagkain.
Ilang minuto rin ay natapos rin ako sa pagkain at nakita ko naman si mommy.
"Mommy, sinong tumawag?" Tanong ko kay mommy. Sorry, kapal face here.
"Ang principal. Walang pasok ngayon dahil darating ang Alpha team. Titingnan ang school. Magbihis ka na para maitour mo rin ang Alpha." Sabi ni mommy sa akin. Tumango naman ako at pumunta sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Zyra Academy: Destiny's Choice
FantasySa mundong ito, maaari kang maging espesyal. At ang tawag nila sa mga espesyal na estudyante dito ay mga Safiara. Dito sa mundong ito, hinati ang mga Safiara at mga Daria. Sa pangkat ng Safiara ang mga taong may mga kapangyarihan. Dito rin nakatira...