Chapter 2: Messed up

148 4 0
                                    

Chapter 2:Messed Up

Zychea's Pov.

Andito kami ngayon sa Starbucks at umiinom ng Cappuccino. Dito rin kami tumatambay during no classes.

Nagulat naman ako ng biglang tumili si Drake.

"Drake, pwede bang tumahimik ka nga, ang-ingay ingay mo." Saway ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin.

"Bes, i have good news!" Sabi niya sa akin na bigla kong ikinataka. "Okay here it goes,magkakaroon ng big event sa Safiara and guess what! Ang school natin ang napili para iganap ang big event nila!" Sabi nito.

"Bakit hindi nalang sa Safiara ganapin? Masmaganda ngang tayo ang pumunta hindi sila ang pupunta." Sabi ko sa kanya.

"Hay naku Zychea, alam mo ba na this is the chance para itaas na ang bandera ng mga Iya? Atsaka, malalaman na rin naman nila na ikaw ang heiress ng school at ng pinakamayamang tao dito sa Daria." Paliwanag nito sa akin.

"Sabagay." Sabi ko sa kanya. "Pero may kulang Drake eh. May gustong sabihin si mommy na hindi niya masabi sa akin." Sabi ko sa kanya. It's true. May gusto akong malaman, dahil alam kong may sikretong tinatago sa akin si mommy.

"Kung anoman yun bes, intindihin mo nalang yung mudra mo." Sabi niya sa akin.

"Tara na. May pasok pa tayo ng tanghali." Sabi ko sa kanya. Umalis naman na kami sa Starbucks. Pag ganito kasing walang pasok at kunwari may meeting tapos natapos na yung meeting, magkakaroon kami ng klase kapag tanghali. Half day kumbaga.

Nang makauwi ako, agad akong nagbihis ng uniporme ko at sinuot agad ang rubbershoes ko. Kinuha ko naman ang bag ko at mga gamit ko at lumabas sa kwarto ko.

Nakita ko naman si mommy na nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape.

"How's the conversation with the Alpha?" Tanong ni mommy.

"Ayos lang naman, si Drake ang disappointed kanina, kasi wala si prince Carl niya." Sabi ko rito. Narinig ko namang tumawa ng mahina si mommy dahil sa kwento ko.

"Oh siya, sige na pumunta ka na sa school. Marami ka pang gagawin."  sabi ni mommy.

"Bye mommy." Sabi ko rito at hinalikan sa cheeks si mommy.

"Take care." Sabi nito habang nagbabasa ng dyaryo.

Pumunta naman na ako sa sasakyan ko at sumakay roon. Pinaandar ko naman ito at pumunta naman na ako sa school.

Nakapunta na ako sa school at pinark na muna ang sasakyan ko.

Habang naglalakad ako sa hallway, narinig ko naman ang usap usapan nila.

"Uy andyan na si ms. Zychea."

"Angganda niya no."

"Oo nga, ms. Zychea how to be you po?"

"Uy, pre andyan na si Zychea."

"Tara na."

"Patino na tayo mga tol, para hindi na kayo mabugbog." Sabi ko rito habang tinatapik tapik ang balikat niya.

"Grabe angcool talaga ni ms. Zychea."

"Buti nalang at may anak na ganyan si ms. Herlyn."

"Okay guys i have some announcement to make." Sabi ko sa kanila kaya nagsilapitan naman na sila sa akin.

"Next week ay magkakaroon tayo ng big event at dahil doon, pupunta ang mga tagaSafiara kasama ang mga Alpha at ang mga hari't reyna. I am expecting na we will have good records lalo na't maraming compliments ang natanggap ko sa mga Alpha." Sabi ko rito.

Zyra Academy: Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon