Chapter 3: red haired guy
Zychea's Pov.
"Zychea." Pagtawag nito sa pangalan ko.
"Zychea." Sambit nito ulit sa aking pangalan.
"Your power is awakening Zychea. Just trust yourself and to your magic. Believe in your power Zychea." Sabi nito sa akin.
"What are you talking about? Ni wala naman akong kapangyarihan. Stop it, let me tell you that i'm just an ordinary Iya living in Daria." Sabi ko rito.
"You dont have to Deny on it Zychea. You know it already so stop denying."
"Stop! This is not true!"
****************
Nagising ako mula sa panaginip at nagpalinga linga ako sa kwartong ginamit ko. Wait, kwarto ko to. Bakit ako nandito?
"Zychea." Narinig kong sabi ni Drake kaya napalingon ako rito. Hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya. How could he? I mean she? I mean, hayaan mo na nga dun. Bakit kasi hindi niya sinabi sa akin? I'm his bestfriend pero masminabuti niyang itago sa akin. I feel betrayed you know that? Akala pinagkakatiwalaan ka niya pero hindi naman pala.
"Bes, i'm sorry. Sasab-" hindi ko na pinatapos si Drake sa pagsasalita dahil nagsalita naman ako.
"Sasabihin mo na sa akin pero ano? Wala ka man lang na sinabi?" Tanong ko rito. "Drake we've been bestfriends for 10 years! But why didn't you told me?!" Tanong ko rito.
"Bes natatakot lang naman kasi ako na baka pati dito eh hanapin ako ng mga Carela. Besh naman eh. I'm sorry na. Sorry din kasi ....."
"Kasi ano?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi anak ako ng hari at reyna ng Flormerth kingdom." Nahihiyang saad nito.
"Kitam? Pati yan tinago mo sa akin. How could you be that kind of secret hider?" Tanong ko rito. Hindi naman ito nakapagsalita. "Where's mom?" Seryosong saad ko rito.
"Besh, 1 week ka nang nakahiga dyan at walang malay. Kahapon lang inilibing ang mommy mo." Malungkot na saas niya sa akin.
"Isa pa si mommy eh. Parehas lang kayong sinungaling." Sabi ko rito habang umiiyak. Niyakap naman ako nito. "Paano na ako Drake? Wala na si mommy. Paano na ako? Wala na ang lahat sa akin."
"Besh, remember nung bago ka mawalan ng malay? Besh may magic ka! And there's a possibility na andun ang totoong pamilya mo!" Sabi nito sa akin.
"Hindi Drake, isa akong Iya. At yun yun Drake. Walang magbabago doon. Hindi ako pinalaki ni mommy na may kapangyarihan. Kaya never akong pupunta doon." Sabi ko rito.
"Pero besh, diba pangarap mong pumunta doon sa Safiara? Besh this is the time!" Sabi ni Drake sa akin.
"No! Hindi pa ako nakakapagpaalam. Hindi ko pa naiibigay kay tita Hermy ang mana. Please Drake, let me think first. Bago ako pumunta sa mundo mo." Sabi ko rito.
"Pero Besh."
"Drake, listen to me. Siguro guni guni mo lang yung nakita mo na may magic ako. Drake, magkaiba ang mundo natin. Kaya i'm so sorry kung hindi ako sasama sayo." Sabi ko rito.
"Basta besh, hindi ako susuko hangga't hindi ko napapatunayan na may magic ka. And please Zyra, you have magic. Kitang kita ko yun. Naramdaman ko yun dahil kitang kita sa mga mata mo kung papaano mo naikontrol yun. Besh, please dont deny it." Mahabang lintanya nito.

BINABASA MO ANG
Zyra Academy: Destiny's Choice
FantasySa mundong ito, maaari kang maging espesyal. At ang tawag nila sa mga espesyal na estudyante dito ay mga Safiara. Dito sa mundong ito, hinati ang mga Safiara at mga Daria. Sa pangkat ng Safiara ang mga taong may mga kapangyarihan. Dito rin nakatira...