Sa pag tapak ng mga paa niya sa lupa ay agad na sinalubong siya ng malakas at malamig na hangin. Imbis na lamigin ay napapikit na lang siya dahil sa nakakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa puso niya. Hindi man niya sabihin ay halata sa mga muka niya na masaya siya.
Nag simula ng mag lakad ang binata. Hindi maalis sa labi niya ang isang ngiti. Ng maka pasok sa loob ng isang building ay agad niyang inilibot ang mga mata niya. Tila may hinagmhanap ngunit napapitlag siya ng biglang may sumigaw ng pangalan niya mula sa di kalayuan.
"LEE DAEHWI!"
Pag lingon niya ay may isang dalagang tumatakbo mula sa kinatatayuan niya. May mahabang buhok ang dilag. Maganda din ang kanyang muka maging ang kanyang katawan. Hindi rin maiikaila na may malaki din itong hinaharap. Napa lingon na lang sa ibang direksyon ang binata at nag simulang mag lakad.
Muli siyang tinawag ng dalaga. Base sa lakas ng boses ay mukang malapit na ito sakanya. Tumakbo na lang ang binata imbis na mag lakad. Lumiko siya kung saan saan.
Pagod na siya sa pag takbo kaya't panandalian siyang tumigil ng biglang bumukas ang isang pinto sa tabi niya. Agad siyang hinila ng kung sino mang nasa loob. Mag rereklamo na sana siya ng takpan nito ang bibig niya bago isinandal sa pader sa tabi ng pinto.
Muling umalingawngaw ang boses ng isang dalaga. Sa pagkakataong ito ay hindi na binalak ni Daehwi na kumawala pa sa binata. Naka pikit lang ito habang pinapakinggan ang yabag ng isang dalagang tumatakbo.
Ng mawala ang ingay ay agad niyang iminulat ang mata niya. Napatitig siya sa binatang nasa harap niya. Naka tingin ito sa pinto habang pinag papawisan. Natutulala na lang si Daehwi.
Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya makapag isip ng tama. Sa isang taong pananatili niya sa America ay ngayon lang siya nakaranas ng ganitong pakiramdam na tila tatalon sa dibdib niya ang kanyang puso.
Unti unting lumingon sakanya ang binata. May kantakaran ito sakanya ng kaunti. May gwapong muka lalo na ngayon na tumutulo pa ang pawis nito, may maganda siyang mata at bagsak na buhok na tila masarap suklayin gamit ang sariling kamay niya. Tinitigan siya nito ng may ligaya kahit na hindi ito ngumingiti. Kita ito sa mismong mga mata niya.
Lumapit pa ito sakanya bago ngumisi. Nanlaki ang mga mata niya. Inalis na ng binata ang kamay niya na tumatakip sa bibig ni Daehwi. Konting galaw na lang at may mangyayari na sa mga labi nila. Ngunit ang ngisi ng binata sa harap niya ay napalitan na ngayon ng isang ngiti.
Isang napaka sinserong ngiti.
'May iga-gwapo pa ba ito?' Sa isip ni Daehwi.
"Halika na ihahatid na kita sa inyo. Ako ang susundo sayo ngayon." Bulaslas nito bago lumayo at hinawakan ang maleta ni Daehwi.
Binuksan na nito ang pinto at akmang hahakbang na palabas ng hawakan siya ni Daehwi sa braso.
"Anong pangalan mo?" Mas bumilis ang tibok ng puso ng nakababata. Nilingon siya ng binata. At ngayon ay naka ngiti na ito. Nawala naman agad ang mga mata nito.
'Cute'
"Malalaman mo rin pag uwi mo kaya tara na."
----
a/n: nababaliw natalaga ako sa JinHwi HAHAHAHAHA I even made a mood board just for them
BINABASA MO ANG
Sikstinayn || Jinhwi
Short Story"Mahal kita. Mga Sikstinayn."- Bae Jinyoung Twentitri Book 2