009 | Daehwi's

176 14 4
                                    

Umakyat na ako sa rooftop para puntahan si Jinyoung. Sa totoo lang ay naninibago ako sakanya. Di kasi L na L eh. Pero syempre joke lang yung L alam ko naman na nag bibiro lang siya.

Pag dating ko sa tapat ng pintuan ng rooftop ay napatigil ako. Napatulala ako sa pinto. Parang feel ko titigan yung pinto. Siguro kasi pamilyar sakin ang lugar na ito. Walang duda na dito nga ako nag aaral noon. Siguro madalas ako dito.

Hinawakan ko na ang seradura. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sabay ng pag bukas ko sa pinto. Nababaliw na ata ako. Ang layo naman ng puso sa utak bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Sa pagkakaalam ka sa utak ako nagka problema hindi sa puso jusq may sakit na naman ako?

Agad ko rin sinara ang pinto ng maka pasok ako. Hindi ganon kasakit sa balat ang araw kaya ayos lang, medyo mahangin din naman. Agad akong lumapit sa railings at umupo sa tabi ni Jinyoung. Naka pikit lang siya habang naka sandal doon sa railings taliwas sa view sa harap. Tinitigan ko lang ang muka niya.

Ang amo naman tingnan.

Biglang humangin kaya hindi sinasadya na humarang sa mga mata niya ang buhok niya. Agad ko naman itinaas ang kamay ko at hinawi ang buhok niya ng bigla siyang mag mulat ng mata.

Nakatitig lang siya sakin. Parang hinang hina ang mga mata niya o inaantok lang talaga siya? Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Tulad nung unang mag tama ang mga mata namin sa airport.

Mukang tama nga sila.

Dahan dahan naman akong lumayo at ngumiti sakanya. Nanatili lang siyang naka tingin sakin at walang reaksyon. Wala siguro siya sa mood kaya magiging mabait muna ako.

"Simulan na natin 'tong activity."

Agad kong binuklat ang librong dala ko ng bigla siyang mag salita.

"Bakit ka pinagpapawisan?"

Tanong niya kaya agad ko siyang nilingon at nginitian sabay iling.

"Ayos lang ako." Sagot ko bago muling ituon ang sarili ko sa libro.

Napahilot na lang ako sa sentido ko.

Sikstinayn || JinhwiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon