Agad akong nagising dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa slide door ng balcony ko. Agad kong inalis ang kamay ni Jinyoung na nasa bewang ko at naupo. Kinusot ko muna ang mga mata ko ng biglang mag ring ang cellphone ni Jinyoung.
"Nayana~ Nayana---"
Nag alarm pala siya.
Nag cross sitting naman ako sa harap niya at niyugyog ang katawan niya. Tulak lang ako ng tulak sakanya hanggang sa mainis na siya.
"Ano ba?!" Sigaw niya kaya natawa na lang ako.
"Dong, may pasok tayo dodong." Bulaslas ko pa habang sinusundot sundot ang pisngi niya.
Agad naman kumunot ang noo niya habang naka pikit pa din. Okay inaamin ko na ang cute niya talaga. At ang gwapo niya sa messy hair niya. Oooh~ natawa na alang ako sa isip ko.
"Una ka na sa baba. Handa kang pagkain." Bulong niya habang umiibo sa higaan na para bang nag hahanap siya ng tamang pwesto para mahimasmasan.
"Sunod ka agad~"
Dali dali naman akong bumaba sa kama ko at bumaba muli papunta naman sa kusina. Ininit ko lang yung ulam na niluto ng mama niya kagabi para sakin bago ako nag handa ng kanin at gatas para saming dalawa. Nag labas na din ako ng tinapay at nutella bago bumalik sa kwarto ko para maligo.
Pag pasok ko ay naka bihis na siya ng pamasok habang binoblower ang kanyang buhok. Lumapit naman ako sakanya at kinuha ang neck tie niya na nasa tabi lang niya. Ibinaba niya ang blower sa kama ko bago kumapit sa magkabilang bahagi ng bewang ko.
Naka upo siya sa kama ko habang naka tayo naman ako sa harap niya. Nanatili lang ang mga kamay niya sa bewang ko habang sinisimulan ko naman na ikabit sa kwelyo niya ang neck tie. Ng masiguro kong ayos na ang pagkakabuhol nito ay inayos ko naman ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"Baba ka na ligo lang ako." Putol ko sa katahimikan. Nginitian niya lang ako bago ako hinalikan sa pisngi at nag tatakbo pababa ng kwarto ko.
Makalipas ang ilang segundo ay napahawak ako sa pisngi ko bago ako nag simulang tumawa. Ang cute niya talaga.
Pumasok na lang ako sa banyo at naligo na. Matapos ay nag bihis agad ako at kinuha ang mga bag namin na nasa sofa dito sa kwarto ko bago bumaba sa kusina.
Nangangalahati na siya sa kinakain niya kaya agad agad akong sumubo at pinilit na maka habol sakanya. Hindi naman ako nabigo at sabay pa kaming natapos. Nag sipilyo muna kaming dalawa ng sabay habang nag aasaran bago tuluyang umalis ng bahay. Sinigurado niya naman na wala ng bukas na madadaanan sa bahay bago kami tuluyang nag lakad papuntang school na malapit lang sa village namin.
Masaya lang kaming nag aasaran sa daan at kung minsan ay babanat naman siya ng may halong kabastusan kaya imbis na kiligin ako ay nahahampas ko na lang siya habang tumatawa. Magka hawak kamay kami habang nag lalakad.
Sana hindi na matapos ang araw na ito. Sana ganito na lang kami palagi. Sana. Pero alam kong hindi pa pwede.
May kailangan pang managot.
"Wag ka mag alala Dae. Pag may nag bunga sa nangyari sa atin kagabi papanagutan parin kita---" agad ko naman siyang hinampas gamit ang isa kong kamay dahil naka hawak pa din ang kabila kong kamay sakanya habang natatawa.
"Hayp ka talaga walang nangyari sa atin asa ka!" Sagot ko sabay hagalpak ng tawa at tulad ng inaasahan ay agad siyang ngumuso na parang bata at bahagyang nag dabog habang nag lalakad.
"Kung sakali lang naman!" Sigaw niya kaya mas lalo akong natawa.
"Oo na lang." Sagot ko din pero nagulat ako ng bigla niya akong lingunin sabay ngiti.
"Pasalamat ka... mahal kita. Mga sikstinayn." At bigla siyang kumindat. Sa sobrang gulat ko inabot ata ako ng isang minuto bago nag react.
Tumigil ako sa paglalakad at nag simulang mag papadyak habang tumatawa ng malaks. Ngumuso naman siya sa harap ko na tila nag papaawa pero sorry tawang tawa talaga ako sa kagaguhan niya.
Hay~ konting tiis na lang Jinyoung. Masasagot din kita. Masasagot din kita sa mga sinasabi mong yan.
Pero letse nakaka OJ talaga mga sinasabi niya.
---
a/n: yung mga usapan ng ibang chara sa story na ito ay mga spoiler ko talaga sa next wannabangka story ko HAHAHHAHAHA sinong next otp kaya ang gagawan ko ng story?
BINABASA MO ANG
Sikstinayn || Jinhwi
Short Story"Mahal kita. Mga Sikstinayn."- Bae Jinyoung Twentitri Book 2