*CHAPTER 7*

10.7K 382 6
                                    

*Trisha*

Araw-araw hindi na bago kay Trisha ang masigawan at masaktan sa mga ginagawa ng madrasta at anak nito..

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya na muntik na niyang ikatumba kung hindi lang siya nakakapit sa hamba ng hagdanan..

"Di ba sinabi ko sayo na plantsahin mo ang lahat ng damit ko bakit hindi mo sinunod? Nanggagalaiti sa galit na sabi ng madrasta niya sa kanya..

"Nakalimutan ko po Madam pasensiya na hindi kuna po uulitin"..hingi niyang pasensiya dito ngunit di siya pinakinggan sinampal siya ulit nito.

"Nakalimutan o sinadya mo ha? Sa susunod na uulutin mopa hindi lang sampal ang matikman mo sakin'..duro na nito sa kanya sabay talikod palabas ng bahay nila.

Manhid na siya sa mga pananakit sa kanya sa araw-araw na sampal at sabunot hindi na niya maramdaman ang sakit nito..

Hindi niya ginawa ito dahil ilang araw na siyang nahihilo at nagsusuka sa umaga nanghihina ang katawan niya at tinatamad siyang magkikilos.

Kaya hindi niya ito ginawa,napaupo na lamang siya sa hagdanan ng makaramdam naman ulit ng pagkahilo tama naman naabutan siya ng yaya niya.

"Naku na bata ka ano nangyari sayo bakit nakasalampak ka jan sa hagdanan"..tanong nito na sobrang pag alala.

Iyak lamang siya ng iyak kaya nag alala ito masyado ng makitang namumula ang pisngi niya.

"Sinaktan ka naman ng madrasta mo?kelan kaba lalaban na bata ka..kung may magagawa lang ako para tulungan ka gagawin ko...ani pa ng yaya niya na niyakap na lamang siya.

"Tayo kana jan at kumain na kanina pa kita hinahanap alam kong gutom kana kaya halika na"..hinila na siya nito papunta sa kusina.

"Wag na po kayo mag alala ya kaya ko pa pag hindi kuna kaya sasabhin ko po sa inyo"...sabi niya dito na hindi na tiningnan pa..

"Napapansin ko lang madalas ang pagkahilo mo at pagsusuka sa umaga..anak buntis kaba? Biglang tanong ng yaya niya..

Nabigla siya sa tanong nito hindi niya inaasahan na tanungin siya ng ganito..

Naalala din niya na simula ng may nangyari sa kanila ng lalaking iyon ay hindi pa siya dinadatnan ng menstruation niya..

Kaya hindi pa siya sigurado kung buntis nga siya o hindi..
Hindi din lingid sa yaya niya ang nangyari sa kanya hindi na siya naglihim dito kaya alam niyang maintindihan siya nito..

Ito na lamang ang inaasahan niyang kakampi niya.

"Anak, bukas ibili kita ng pregnancy kit para malaman natin kung buntis kaba o hindi.."

Tango na lamang ang isinagot niya dito paano kung buntis siya paano niya papalakihin ang anak niya ni wala siyang kapera-pera..pati ang perang dapat sa kanya ay hindi ibigay nila hindi ito ipinasok sa account niya kaya wala siyang gagamitin kung umalis man siya dito..
Pati mga kaibigan wala siya  pinagbawalan siya nito baka daw makakuha siya ng mga masamang impluwensiya kaya lumalayo siya pag may gustong makipag kaibigan sa kanya..

Kung sasabihin din niya duon sa lalaking nakabuntis sa kanya baka hindi rin siya paniwalaan nito..

Gulong-gulo ang utak niya kung ano ang gagawin at iisipin niya sana lang makaya niya ang lahat.

Kinabukasan binilhan siya ng yaya niya ng 2 pirasong pregnancy kit agad niya itong ginamit at sinunod ang nakasulat dito pinatakan niya ito ng ihi niya at hinintay ang resulta..

Nanginginig ang mga kamay niyang nakatingin sa hawak niyang kit dalawang linya itong pula na ibig sabhin ay positive at buntis siya..

Takot man siya pero natutuwa pa rin siya kasi may buhay nang lumalaki sa sinapupunan niya poprotektahan niya ito sa madrasta niya at anak nito..

Ito na lamang ang magiging kakampi niya at kasama sa buhay bukod sa yaya niya.

"Anak ano nang resulta? Tanong ng yaya niya na mukhang excited ito..

"Ya,,positive po at pinakita niya dito ang kit na ginamit niya.

"Anak natutuwa ako sayo mula ngaun alagaan mo ang sarili mo at wag magpabaya sa pagkain dahil hindi lang ikaw dalawa na kayo ng anak mo, naluluha pang sabi ng yaya niya.

"Wag po kayo mag alala ya aalagaan ko po ito ng mabuti..kung buhay lang si daddy alam kong matutuwa yun..

"Mag ingat ka lagi wag mong pagurin ang sarili mo pag wala ang mga bruha magpahinga ka hayaan mong kami na ang gumawa nuon..ani pa nito.

Sa mga sumunod na araw mas lalo siyang nahihirapan dahil sa madaling araw ilang beses siyang sumuka at may hinahanap na kung anong pagkain..

Ngunit binalewala niya ito hindi rin siya makakabili dahil wala siyang pera na maaring gamitin..

Hindi rin siya makakalabas ng bahay dahil pinagbantaan  siyang paglumabas ng bahay ay may gagawin ito sa kanya kaya natatakot din siyang lumabas.

Pasalamat na lang siya at hindi siya pinababayaan ng yaya niya at ang ibang mga kasambahay kahit papano tinutulungan pa rin siya ng mga ito.

Naawa din ang mga ito sa sinapit niya kung may magagawa lang ang mga ito tutulungan siya ngunit takot din ang mga ito sa maaring gagawin ng madrasta niya.

"Senyorita! anjan na yung bruha hinahanap ka dali puntahan muna baka masaktan ka naman..hinihingal pang sabi ng kasamahan niyang kasambahy na si Liza..

"Sige maiwan na kita puntahan ko lang..paalam niya dito.

Mabilis niyang hinanap ito at natagpuan niya itong may kausap sa labas ng veranda nila..

"Madam hinahanap niyo daw po ako..sabi niya dito.

"Halika dito at may sasabihin ako sayo..hila nito sa braso niya kaya napasubsob siya sa lamesa..

"Mr.Santos this is my step daughter Trisha...she is the one im telling you shes beautiful right?sabi nito sa kausap..

"Yeah shes so beautiful Mrs Abelardo i like her..sagot naman nito na nakangisi sa kanya at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hangang paa.

Kinikilabutan siya sa iniisip niya baka may gagawin na naman ang madrasta niya sa kanya..

"Sasama ka ngaun kay Mr.Santos just for a night para maisalba mo ang kompanya ng daddy mo sa pagkalugi..na walang paligoy- ligoy na sabi sa kanya ng madrasta niya.

Tumulo na ang luha niya sa narinig pinasasama siya dito sa manyak na ito para maisalba ang kompanya ngaun sabhin niya kay daddy ito dahil nalulugi na ito at siya ang gagawin na pansalba..

"Hindi po ako sa sasama sa kanya mabuti pang malugi ang kompanya ni daddy kesa babuyin mo ako..sigaw niya dito.

"Sinisigawan mo ako may lakas kana ng loob ngaun".. na bigla naman siyang sinampal nito..

"Ayoko kahit anong gawin mo hindi ako sasama sa kanya..
Tumakbo siya palabas ng bahay bahala na kung saan siya mapadpad basta ayaw niyang babuyin siya ng mga ito.

"Bumalik ka ditong babae ka humanda ka lang pag naabutan kita? Hiyaw nito sa kanya..

Pero deretso lang siya wala na siyang pakialam kung malugi man ang kompanyang pinaghirapan ng daddy niya..

Binilisan pa niya ang pagtakbo baka maabutan siya ng kanyang madrasta..

Puno na ng luha ang mga mata niya kaya hindi na niya napansin ang isang sasakyan na paparating kaya nabigla siya pabalik pero nahagip pa rin siya nito kaya natumba siya..

Takot agad rumehistro sa kanya ng makita niya sa mga hita niyang dumadaloy ang dugo duon.

Agad namang bumaba ang nakasakay sa sasakyan na nakahagip sa kanya..

Tulong please tulungan mo ako ang baby ko baka mawala...pagmakaawa niya dito ng biglang dumilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay..

MY BEAUTIFUL OBSESSION <completed>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon