" Oh andito na tayo "
Huminto kami sa tapat ng pinapasukan kong public school. Grade 9 student na ako at August na ngayon. Parang kailan lang noong una ko pang tapak dito,Grade 7 ako noon. Inayos ko ang librong dala ko habang tinatanaw ang SPA building, nakita ko siyang lumabas sa room nila kaya binilisan ko ang paglalakad ko patungo sa room namin.
Sino siya? Ang nagugustuhan kung lalaki, noon pa man may pagtingin na ako sa lalaking 'yon na kailanman ay alam ko na hindi niya ako mapapansin. He don't even know I exist.
" Oh Hera? Buti nalang at hindi ka na naman late, natapos mo ba yung powerpoint presentation na pinagawa ni Sir? " bungad sa akin ni Vernice ang bestfriend ko since Grade 1 na hanggang ngayon ay classmate ko.
" Oo natapos ko, upo na tayo nandyan na si Sir " tinulungan niya akong bitbitin ang mga libro ko at nilagay sa ibabaw ng lamesang inuupuan ko.
" Good morning Class, get ready for your powerpoint presentation "
*Fast forward*
Nakaraos din kami sa presentation at binigyan kami ng A+ grades ni Sir. Pinagpaguran ko kaya yung presentation namin no.
" Hera, sa taas tayo ang crowded dito eh. Baka nandoon si Fr--- "
May second floor kasi ang cafeteria, malimit lang kasi ang tao doon dahil mahal ang mga pagkain na tinitinda.
" Tumigil ka Vernice ah, wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo. Tara na nga! " habang paakyat kami sa hagdan ay nakita ko sya na paakyat din kaya binilisan ko ang pag akyat at nagtago kami ni Vernice sa isang stall dito sa taas na Tita ni Vernice ang may-ari.
"Oh Hera? Nandyan na naman crush mo no? Nagtatago ka na naman kasi nandyan si Zeus?"
Yan si Ate Linny, Tita ni Vernice. Matagal na silang nagtitinda dito at matagal na din niyang alam. Silang dalawa lang ang may alam kung sino ang crush ko. Kahit na matagal na matagal ko nang crush yon ay dalawa pa lang ang nakakaalam. Ang galing ko kayang magtago ng feelings.
" Hindi ka naman mapapansin niyang si Zeus eh, andami ngang umaaligid na babae sa kanya oh. Umupo na kayo at luto na itong carbonara " sabi niya habang hinahain ang bagong luto na carbonara sa plato namin. Ang pranka ni Tita anshakit kaya 'non.
May sarili na kaming plato dahil dito kami laging kumakain, kasi nandito rin sina Zeus. Yun ang tawag sa kanya at Grade 10 student siya. Ang layo namin dalawa,para talagang langit at lupa at ako yung lupa. Napakasikat niya, at halos lahat ng kaibigan niya ay sikat din. Lahat sila ay napakayaman, madami rin ang nagtatanong kung bakit hindi sila sa private school nag-aaral at ang sagot lang nila ay mas gusto nila mag-aral dito sa Obenido Safarian High School.
" Oh Aziya? Baka matunaw na si Zeus diyan sa mga titig mo ah? " malapit lang kasi ang table nila dito sa amin kaya kitang-kita ko siya. Naka reserved na yang table nila para sa kanila.
YOU ARE READING
Nothing Like Us
Teen FictionAziya Hera Laurel is a Grade 9 BEC student of Oblenido Safarian High School. Siya ay kilalang youtuber at dancer. She get what she wants,but except for him. She's into him since 6th grade at habang tumatagal ay mas nahuhulog ang loob niya sa kanya,b...