Aziya's POV
Pinahatid ako nila Ma'am Megan sa driver nila. Sinabi ko ngang wag na lang dahil nakakahiya na but she insisted. Pinadalhan pa nya ako ng baked macaroni, ang bait ng Momy ni Franz. Kanina habang kumakain kami at oo sa kanila ako nag dinner ayaw na ayaw ng Momy na tinatanggihan ang mga ino-offer niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya kay Chelsey at Franz. Na miss ko nga tuloy si Mama ko.
" Tita nandito na ako " inilagay ko ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina.
Nasaan na naman kaya ang Tita ko? Nandiyan naman ang sasakyan namin
*arfff arfff *
" Hello Franchy ko baby ni Momy na miss mo ba ako? " kinarga ko siya at nakipaglaro.
*arfff arfff *
Parang ayaw niya namang makipaglaro,mas gusto niyang bumaba kaya ay binaba ko siya.
" Franchy? Hoy saan ka pupunta? " tumingin siya sa akin na parang gusto niya akong sumunod sa kanya.
" Ano bang problema? " sinundan ko siya hanggang sa taas patungo sa kwarto ni Tita Rhea ko, at naka open lang 'to.
Tumingin sa akin si Franchy at naghihintay sa gagawin ko,mas lumapit ako sa nakabukas na pinto at hindi muna pumasok, may narinig akong ibang tunog sa loob ng kwarto.
Ang naririnig ko ngayon ay hindi tunog ng nagtatawanan,nag momovie marathon or nagkekwentuhan kundi ay may ginagawang himala na ayaw na ayaw kung makita ng live.
Kinuha ko si Franchy ng hindi gumagawa ng anumang ingay at dahan dahan na bumaba sa hagdan.
Naiiyak ako, hindi ko mapaniwalaan na magagawa ni Tita 'yon. May asawa na siya at nasa abroad din.At ang asawa niya ay kapatid ng Mama ko. At sure akong hindi niya asawa ang kasama niya sa kwarto. Ibang lalaki 'yon at ang mas ikinagagalit ko ay bakit dito pa nila ginawa, ba't naging ganoon si Tita. Wala na ba siyang respeto sa may-ari ng bahay na 'to? Sa akin? Sa amin ng parents ko.
" Franchy matulog ka na,dito muna ako ayaw kung marinig ulit yung nangyayari sa taas " umalis na si Franchy patungo sa kwarto ko dahil doon din siya natutulog
Naka upo ako sa sofa dito sa sala namin habang umiinon ng Mango shake na may luha pang tumutulo sa mata ko. Hindi ko siya kadugo, ang asawa niya ang kadugo ko na kapatid ng Mama ko. Nasa Canada din siya nagtatrabaho bilang Doctor, wala man lang siyang alam sa mga ginagawa ng asawa niya.
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa may hagdan kaya umayos ako ng pag-upo habang tumitingin sila. Si Tita ang unang bumaba at ang nasa likod niya ay isang lalaking bata pa sakanya--- ano 'to?! Ba't nandito ang lalaking 'to?
" D-dark? Tita? A-ano 'to? Ano to?! Bakit ka nandito Dark? Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?! " galit na galit akong tumingin kay Dark at kay Tita habang may luhang tumutulo sa mga mata ko.
Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? Ba't nila ginawa 'yon? 19 years old pa si Dark at si Tita ay 26 at may asawa na siya.
" Oh hello there Aziya. Ganyan mo ba ako babatiin after 2 years? I know you miss me---"
YOU ARE READING
Nothing Like Us
Teen FictionAziya Hera Laurel is a Grade 9 BEC student of Oblenido Safarian High School. Siya ay kilalang youtuber at dancer. She get what she wants,but except for him. She's into him since 6th grade at habang tumatagal ay mas nahuhulog ang loob niya sa kanya,b...