2: Babysitting

5 0 0
                                    

Aziya Hera's POV

*kringggggggggggggggggg*

" Mmmm late na akooooooo " bumangon ako ng mabilis sa kama ko at nadapa ulit dahil nakapulupot pala sa akin ang kumot ko.

" A-araaay, anshakeeeeet " gusto kung umiyak pero walang luha ang lumalabas

" Good morniiii--- Hera ano ka bang bata ka. Ba't ka nag dive diyan " tinulungan ako ni Tita para makatayo at pinaupo sa kama ko

" Hindi ako nagdive Tita, tsaka teka---saan ka ba nanggaling kahapon ah? Pinag alala mo ako eh,hindi na nga ako nag hapunan."

" Pumunta ako ng Mall kahapon ng may babaeng nag-offer sa akin mag model kaya tinry ko. Ang ganda ng shots ko doon. Isang clothing line siya, pwede ka don. Nabanggit ko kasing pamangkin kita at kilala ka naman nila. At anong late? Sabado ngayon walang pasok" Ay nako!

Ang ganda naman kasi ng Tita Rhea ko, noong nagtatrabaho pa siya sa Manila sa isang sikat na bar doon ay naka table niya sila Inigo Pascual. Tsaka madami na rin ang nag-offer sa kanyang maging model at ito lang ang pinatulan niya.

" Busy na ako Tita, wala pa nga akong bagong vlog eh. Siguro next week mag shoshoot kami pag makakapagpadala na sila Mama o may mag sosponsor " pumunta ako sa banyo at nag hilamos at toothbrush.

Alam niyo bang nakakatakot yung panaginip ko? Nakalimutan ko kasing magdasal bago matulog kagabi kaya siguro ganon ang nangyari.

" Ah oo nga pala nag Skype si Mama mo kagabi, napadala na raw sa bank account mo ng pera at sobra sobra pa daw 'yon . Dagdag raw para sa vlog mo, oh diba ang supportive ng parents mo"

Pagkatapos ko sa banyo ay tumakbo ako palabas dahil sa narinig ko.

" Talaga?! OhmyyG! I love you mama at papa. Mag gogrocery ako ng maaga ngayon dahil wala ng laman ang fridge "

Excited na ako para sa bago kung vlog, andami na kasing nag memessage sa akin na mag post na raw ng bagong vlog. Sa tatlo kung vlog ay foodtrip. Siguro ay roam around the city naman ngayon. Gaya ng pupunta ako sa mga falls. Ang Iligan City kaya ang tinaguriang City of Majestic Waterfalls.

" Tita tumawag ka naman kung may pupuntahan ka para hindi ako umasa ok? " sabi ko agad-agad paglabas ko ng sasakyan.

" Oo promise, sa bahay lang kami ni Franchy ngayon. Mag momovie marathon lang kami. Tawagan mo nalang ako pag magpapasundo ka na. Bye Azi " nandito ako sa Robinson's at medyo wala pang tao dahil maaga pa naman.

Simple lang ang suot ko, naka highwaist jeans ako na black at gray din na crop top at black and white adidas.

Simple lang ang suot ko, naka highwaist jeans ako na black at gray din na crop top at black and white adidas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nothing Like UsWhere stories live. Discover now