Meanwhile.. at the dorm.
"Chen chen, hindi ba masyadong brutal yung sinabi mo?" Malungkot na sabi ni Kris.
Halata namang malungkot ang lahat, at mukhang mga nag-aalala para sakanilang kaibigan at kapatid.
"Oo nga hyung eh. Naguilty ata ako?" Sagot ni Chen.
"Aba't hindi ka pa sigurado niyan." Nasapo ni Lay ang noo niya kaya't medyo natawa naman sila. Pero saglit lang ito't hindi pa tumagal ng isang minuto.
"Akala ko kasi magkukulong lang siya sa kwarto eh. Wrong move. Dapat magsorry ako mamaya." Paumanhin ni Chen sa kanyang nagawa.
"Di lang ikaw Chen. Tayong lahat." Nagtanguan ang bawat isa sa sinabi ng kanilang leader na si Suho.
"Okay sige na. Magsimula na tayo bago pa sila dumating." Ang makulit na si Xiumin, mukhang matamlay na ngayon.
"Mabuti pa nga. Tara na." Pag sang-ayon ni D.O
Nang makatayo ang lahat, nagtaka sila sa maknae, na hanggang ngayon ay nakatulala padin. Sanay na naman silang pokerface lang ito at hindi ngumingiti.. Pero, may mali talaga eh.
"Oh Sehun, anong problema?" tanong ni Kris.
"Hyungth. Nag-aalala na ako eh. Baka nawawala na thi Ji. Hindi pa niya mathyadong kabithado dito tha Korea." Bigla namang natauhan yung mga kasama niya at nagalala na lalo.
"Ako din Sehun eh. Di bale, okay lang yan. Bilisan nalang natin dito. Alam naman ni Ji ang curfew time niya. Susunod yun. I know it." Pagcomfort ni Chanyeol kay Sehun. Maski ang happy virus, halos hindi na din makangiti.
Tumayo nadin si Sehun. Pero bago pa man ito maglakad, muli pa iitong nagusap.
"Itha pa Hyungs. Thi Luhan Hyung. Baka thiya makilala at madumog." Napa buntong hininga nalang ang mga mas nakakatanda sakanya.
"Pinapakaba mo naman ako lalo Sehun." Napahilamos nalang sa sariling palad si Tao.
"Ugh. Teka lang Sehun ha. Dumudugo ilong ko sayo." Sabay hinawakan ni Baekhyun ang nosebridge nya.
"Tissue oh." Inabutan ito ni Chanyeol tapos nagtawanan silang bahagya.
"Yaan mo Sehun. Kaya na ni Luhan ang sarili nya. MANLY yun eh." Pag comfort ni Lay.
"Isama mo pa si Ji. Mas lalaki pa yun kay Baekhyun eh." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Kai.
"Shut up Kai! Maitim ka lang!" Pang-asar din ni Baekhyun kay Kai.
"Hahaha. Oo na, we get the point. Now let's get this party started!" Suho raised his hand at sabay sabay ng sumangayon ang lahat.
~*~
Sa kabilang dako naman..
"Hay nako Luhan--"
"Sabe na't wag akong tawagin ng buo kong pangalan eh." Sabat ni Mr. Deer. Baka daw siya marecognize eh. Sus. Arte.
"Payn. Sige wag highblood okay?" Umirap ako sakanya then I took a sip out of my Frappe.
"Anyway, as I was saying.. Hay nako Han--"
"Don't call me by my name." Okay. Fine.
"Hay nako Lulu--"
"Dont call me that, I dont like it." OKAY. FINE.
"You know what Xi--"
"Seriously? Xi talaga? I'm not a little kid anymore."
"Naknang! Anong gusto mong itawag ko sayo?! Xi Lu Han?!" I shouted. Then he immediately covered my mouth with his hand.

BINABASA MO ANG
EXO's Little Sister
FanfictionI have to live up being Exo's Little Sister. But how the hell am I supposed to LIVE when all the fans around me want me DEAD? Tell me. How? ©Copyright 2014 Written in Tagalog-English ~*~ This is a only FAN FICTION of EXO. I admire them so m...