[Chapter 8]

16 2 0
                                    

_Timothy_

" Salamat po Mang Em pasensya po ulit sa istorbo."
Matapos kong sabihin 'yon ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse saka bumaba. Inayos ko muna sandali ang damit bago maglakad papasok ng mansion. Sumalubong naman sa akin ang labing anim na katulong saka nagsiyukuan.

" Magandang gabi po Miss Tim. "
Sabay-sabay nilang sabi.

" Ang tahimik na ah? Buhay pa ba sila?  "
Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila. Muli akong naglakad ngunit mabagal.

" Natutulog na po sina Sir Thristan at Ma'am Audrina. Si Miss Abbygail naman po ay hanggang ngayon hindi parin po umuuwi. Umalis ho kasi siya kasama po iyong nobyo niya. "
Nakasunod lang sa aking likod si Manang Sessil.

" Ah... Sige salamat "
Agad akong pumanhik sa kwarto.
Nang binuksan ko ang ilaw ay bumungad sa akin ang maitim na bag , may disenyo itong bungo sa gitna at sa bandang noo nito ay may nakalagay na Timothy  habang may apoy naman sa magkabilang gilid nito. Nakalagay ang backpack sa mismong kama ko. Agad ko itong nilapitan at kinuha.
'  Ayos narin \•∆•/ '

Nang pinangitan na ako ay inilapag ko ito sa sahig. Kinuha ko ang aking mga pamalit na damit bago pumasok ng banyo.

Tapos ko nang ginawa lahat ng gagawin sa banyo bago matulog.


Naka-upo na ako ngayon sa gitna ng kama habang nakasandal sa may headrest at hawak ang maliit na kapirasong papel. Ito yung papel ma kasabay ng kahong naglalaman ng cellphone kanina.

Hindi na bago sakin to dahil sa tuwing nagpapabili ako ng bagong cellphone ay may kasabay talaga itong papel. Ang sekritarya kong si Alyzzia mismo ang ipinapabili ko nito at dahil siguro sa iritasyon nito ay may mensahe na itong kasabay at doon niya ibinubuhos lahat ng gusto niyang sabihin sa akin.
Hindi ko naman kasalanang maging tanga =∆=

Binuksan ko ang nakatuping papel at sinimulan itong basahin.

Dear boss kong SHUNGA!,

Gusto mo bang malaman lahat ng naipabili mong cellphone sa akin na hindi man lang tumatagal ng isang linggo?  Alam kong ayaw mo pero kailngan mo talagang malaman PARA MAN LANG MAREALIZE MONG MAGING MAINGAT KANA!. Okay , unahin nating nung 1st week mo pa lang dito sa France. Syempre okay lang naman sa akin na may masira ka kasi nga unang pagkikita pa lang natin iyon. Pero nasundan ng nasundan, may bulsa ka nga pero ayaw mong ilagay kasi nga " Ayoko nakakasikip lang sa pantalon" sa payat mong yan sisikip pa ?! =∆= iniistress moko. Doon ka pa talaga magpapabili kung san oras na ng pagtulog ko! Anong akala mo sakin naka shabu na kayang magpuyat dahil high?! Inosente ako ha! Inosente ako!

I'm trying to calm my self while writing this goddamn message for my LOVABLE BOSS! Oh heto na. Sa pagkakabilang ko ay umabot na sa 78 cellphones na ang nagamit mo at pang 79 na yang BAGO MO! At ang ilan sa mga nagamit mo ay kebago bago ko palang binili para sayo eh kinahapunan tatawag ka nalang at sasabihing " It was an accident okay? " Sanay na ko sa mga palusot mong yan!

Sana alagaan mo na yan kung hindi , bahala ka ng mag-isang bumili jan sa Pinas.

Ps. Don't you dare to call me kung sasabihin mo lang na magpapabili ka ulit. Isusumbong na talaga kita kay Mr. Franco!

Let Me Love You (On Going 🔄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon