[Chapter 10]

10 0 0
                                    

_Timothy_

" I-im sorry Tad, but I love her. Niligawan lang kita p-para mapalapit ako sa kaniya. Sa totoo lang ay minahal din kita Tad , pero hindi nga lang katulad ng pagmamahal na nararadamanan ko sa kaniya. "
Hahawakan niya sana ako sa kamay ng umatras ako palayo sa kaniya.

Kontento na ako sa mga narinig at nakita ko. Kahit na anong gawin ko ditong pagwawala o isampal sa kaniya ang lahat ng sama ng loob ko ay hindi na nito mababago ang desisyon niya.
.
.
.

Magmumukha lang akong talunan kung ipagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kaniya.

" Tama ngang tapusin na natin tong kalokohang ginawa mo. Pagkatapos nitong pagkikita natin, malaya kana. Ah!--- at salamat nga pala sa lahat, dahil ginawa mo akong tanga. KAYONG LAHAT! GINAWA NIYO LANG AKONG KAWAWA!"

Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata. Itinanggal ko ang sumbrerong nakatakip sa mukha ko saka inayos ang aking pagkakahiga .

" Those people are such a pain in the ass whenever I remember them. "
Iiling iling na sabi ko.

_Rex_

"Magsi-upo na ang lahat. "
Sumunod naman kami agad sa sinabi ni Mr. Franco... ang may-ari nitong school. Nakatayo siya ngayon habang hawak ang mikropono. Ang principal naman ay nasa kaniyang likuran kasama ang mga teachers ng iba't ibang grade level.

" Tapos na ang inyong mga maliligayang araw dahil magsisimula nanaman ang inyong klase. "
Natatawang sabi nito.

" Tama siya tol... Ang laking tama ng sinabi niya. "
Madramang sabi naman nitong katabi ko \•∆•/. Ng nilingon ko siya ay pinupunaspunasan pa nito ang mga mata.

" Pag ako napuno sayo Jerry mapapahiya ka talaga dito. "
Nandudurong sabi naman ni Tom sa kaniya.

" Wag naman tol, nasa auditorium tayo oh madaming chix. "
Ininguso niya pa ang mga babaeng nakaupo sa aming unahan. Napabuntong hininga na lang ako saka ibinalik ang tingin sa harap.

" Haha! Excited na akong makita ulit ang mga mukha ninyong stress dahil sa mga nagsabay sabay na gagawin ninyo. At asahan niyo ng mas madadaragdagan ang gagawin ninyo ngayon dahil sa isang activity."
Nagsimula ng umingay dito sa loob pero hindi nagtagal ay tumahimik din.
" Base sa mga pagmumukha ninyo ngayon ay hindi kayo sang-ayon sa naisip kong activity para sa inyo. And to give you a clue , hindi sa amin nakasalalay ang desisyon para sa activity na ito. As of now pinagme- meetingan pa namin ng mga Teachers at ng Principal niyo kung ilang araw ang ilalaan para sa gagawin niyong activity dahil sa totoo lang kung ako agad ang mismong masususnod ay gusto kong umabot iyon sa dalawa o tatlong buwan. "
Halos lumabas ang eyeballs ko dahil sa sinabi niya.
Dalawa o tatlong buwan?! Nagbibiro ba siya ?! \~∆~/.

" Grabi naman yan! Anong klaseng activity bayang ipapagawa niya at kailangang tumagal pa? "
Di makapaniwalang sabi ni Tom.
" Kung may magtatanong sa akin kung ayos lang ba yang pinagsasabi ni Mr. Franco, Oo ang isasagot ko kaysa naman mamatay ako kakamemorize ng mga answer key 'pag malapit ng mag exam."
Tatango tangong sabi naman ni Jerry habang tuma-thumbs up. At dahil umiinit nanamn ang ulo ko ay isang malakas na batok ang natanggap niya galing sakin.
" Hayp ah! Ang sakit tol! "
Himas nito ang batok ng nakangiwi.
" Ulol! Ayos lang sayo ?! Pwes sa amin HINDI! "

Let Me Love You (On Going 🔄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon