[Chapter 17]

3 0 0
                                    


_Timothy_

Naka-upo pa sa sahig kahit na malamig. Hinihintay ko pa kasi si Montilla na makabalik na may dalang tubig sa balde. Kanina pako nandito pero wala paring Montilla na dumadating \=∆=/.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Malaki ang gymnasium. Black and white ang theme habang sa sahig naman ay may nakalagay na
' LDFNHSCORPIONS '.

" Oh ayan! "
Pabagsak niyang nilagay ang balde.
" Shit! "
Tumalsik sa kaniya ang tubig dahil masyadong puno din ang baldeng pinaglayan niya. Basa na nga sa pawis mas lumala pa, dumagdag pa ang buhok niyang blonde. Matatawag ko na siyang ' ang basang sisiw ng pilipinas. ' Pinigilan ko ang sarili na 'wag tumawa kaya umiwas ako ng tingin at tumayo saka kinuha ang mop.

" I did my part! Aalis nako. " Akmang aalis siya ng higitin ko ang braso niya.
" Maglilinis TAYO diba? Yun ang sabi ni Principal. "
He smirked.

" TAYO? Walang TAYO kaya pwede ba. "
Tumingin ito sa kamay kong nakahawak parin sa braso niya.
" Paki tanggal niyang kamay mo. 'di ko type ang mga babaeng katulad mo. "
Nakangiwing inalis ko ang kamay sa braso niya.
" Kaya pala ang laki ng ulo mo. Nasobrahan lang pala sa hangin. "
Isasawsaw ko sana ang mop sa balde kaya lang 'di kasya.

" Umalis ka dyan. "
Nagtatakang tinignan niya ako. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya lumipat siya sa likod ko. Sinipa ko ang balde kaya kumalat ang tubig sa sahig.
" Anong ginawa mo?! "
Di ako sumagot sa halip ay isinawsaw ko ang mop sa basang parte ng sahig. Nang tuluyang nabasa ay naglakad ako patungo sa isang ring.

" Ho--- "
Nilingon ko siya sandali.
" Dito ako, dun ka sa kabila. "
Inayos ko muna ang sapaw kong leggings bago nagsimulang magmop.

------

Inabot ako ng ilang oras dahil sa laki ng gym. Kahit na kalahati lang nito ang ini-mop ko buwis buhay parin. Nakakamatay. Kanina pa nangangalay ang braso at kamay ko lalo na ang mga paa ko dahil sa matagal na pagkakatayo.
" Ayoko na! "
Malakas niyang itinapon ang dalang mop. Namumula ang mukha nitong lumapit sa akin habang isa isang itinatanggal ang butones ng polo. At ng matanggal ay hinubad niya ito. Ayos na sana dahil may t-shirt na puti nama pala. But when the moment that his about near to me, sinunod niyang hinubad ang natitirang saplot sa kaniyang pang-itaas. And now he's half naked. Sa harap ko pa mismo.
' 6 pack of abs at ang biceps na siguro ay 'sing tigas ng isang bato. I can even see his V line--- '

" What the fuck?! "
Biglang sigaw ko saka pinupokpok ang sariling ulo.
" Ang landi mong utak ka! Tangina mo! "
Bulong ko. Pinapatuloy ko lang yun at 'di namalayang nasa harap ko na pala siya.

"Okay?--- I understand you. Epekto lang siguro yan ng pagma-mop ng matagal. "
Umayos ako ng tayo bago siya tinignan. Nagpupunas lang naman siya ng pawis sa harap ko gamit ang t-shirt niya habang hawak ang kaniyang polo sa kabilang kamay. Ilang ulit akong napalunok.
" Nakikinig ka ba ?! "
Dumagundong nanaman ang boses niya sa buong gymnasium. Umakto akong umubo saka siya tinignan diretso.
" A-ano nga ulit yun? "
Tinaasan niya ako ng kilay.
" Ang sabi ko wag na nating tapusin to. "

' Wag ng tapusin ang alin? '
Mariin akong napapikit. Malanding utak!

" A-ah... 'di pwede. Kailangan nating natupusin to. Baka umabot nanaman kay principal. "
Lumayo ako ng kaunti sa kaniya.

Let Me Love You (On Going 🔄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon