[Chapter 16]

2 0 0
                                    


_Timothy_

" Hoy! Nakita ko kayong dalawa kanina. 'bat parang ang init ng ulo sayo ni Rex?"
Kinagat ko ang apple na ninakaw ko sa canteen.

" Muntik na niya kong mabangga. "

" Ano?! "
Ipina-ikot ko ang aking mga mata.

" Bakit?! Pano?! Saan?! "

" Long, long and long story. "
Naupo ako sa kama bago kumugat ulit.

Grabi ang paninigaw ni Montilla sakin kanina. Bumabati na nga yung ugat niya sa leeg sa akin na kulang nalang ay pumutok. Pinaggigilan pa ang bisekleta ko kanina at pinagsisipa ang ending? Ayun tumba \=∆=/ bumaloktot pa yung basket nun tsk! Hindi ko kasi inaasahan na sa mismong gate ng campus niya ako hinintay at don din pinahiya, sinigawan at sinermonan. Madaming nakakita lalo na yung nga fans niya daw kuno na ang tatalim ng tingin sa akin.

" Long?! Ayaw mo lang talaga mag kwento--- "

" Nurse Aki? "
Nilingon namin ang bandang pinto.
" Oh? Ikaw pala Ms. Abigail. Anong meron? "
Lumapit sa amin si Abigail.

" Masakit po kasi yung ulo ko. "
Masamang tingin ang ipinukol niya sakin. Inasikaso siya ni Aki. Nakamasid lang ako sa kanila habang inuubos ang apple ko. Pansin ko naman na sa tuwing tatalikod si Aki ay titingin siya sakin na may galit din sa akin at pag haharap naman sa kaniya ay babalik sa anyong pagiging anghel.

" Magpahinga ka na muna. Humiga ka dun sa katabing kama na inuupuan ni Taddy girly. "
Tumayo siya pumunta doon saka humiga.

" Lalabas lang ako ha. May tatawagan lang ako sandali. "
Tumakbo si Aki palabas hawak ang cellphone niya. Emergency ata ?

" So... What are you doing here Taddy girly? " Tanong niya

" Kumakain " Diretsong sagot ko

" Mukha bang cafeteria tong Clinic? Tagilid talaga ang utak ."
Halata namang nagpaparinig \=∆=/. Tumayo nalang ako at itinapon sa maliit na basurahan ang buto ng mansanas. Malalaki ang hakbang ko na tinungo ang pinto.
" 'san ka pupunta ? Magpapa-pansin nanaman?! "

" Alam mo naman sigurong sa ating dalawa, ikaw ang papansin. Gusto mo laging nasayo ang atensyon ng lahat. Nakuha mo na so stop nagging me, bitch."
Binuksan ko ang pinto saka lumabas at pabagsak na isinara.

" Nandito ka lang pala! "
Hinihingal na lumapit si Alpiz #1 sa akin.
" Anong kailangan mo? "
Nakayuko parin ito habang nakahawak sa tuhod at habol parin ang hininga.
"  Pinatawag kayo ni Rex sa Principal's office. "
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Alam ko na kung anong dahilan. Usap-usapan din to kanina kaya 'di nako magtataka kung 'bat kami ipapatawag ngayon.

Tahimik na tinahak ko ang daan papuntang Principal's office.
" Teka! "
Humabol ito at sumabay sa akin sa paglalakad.
" Kamuntikan na kaming madamay ni Jerry sa kalokohan niyo ni Rex. "

" Kalokohan ba tawag dun? " Tanong ko. Tumango tango naman ito.

" Sa katanuyan kanina pa nandun si Rex. Nakita kasi siyang nakatambay lang sa locker room. Mabuti nalang talaga wala kami sa mood ni kambal na magcuting! "
Sabi niya na may malapad na ngiti. 'di na ako umimik hanggang sa makarating kami ng office.

Let Me Love You (On Going 🔄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon