[Chapter 14]

7 1 0
                                    

_Timothy_

Pagpihit ko palang ng pinto ay siya namang pagtunog ng bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Nang tuluyan na akong makapasok sa room ay may kung sinong kurimaw na naghagis ng bag ko, mabuti nalang at nasalo ko ito agad.

" Kababaeng tao nagkacutting "
Bungad ng katabi ko ng maka-upo ako. Wala din naman akong planong mag-explain. Nanatili lang akong tahimik at diretso ang tingin.
'Syet may jetlag pa ako \=∆=/'

" Good morning my dear students!! "
Masiglang pabati ni Sir. Piolo. Nagsitayuan naman kami at bumati pabalik sa kaniya.

Isang mahaba-habang discussion ang nangyari. Habang tumatagal ay parang anytime babagsak na talga ang ulo ko. Pinipilit kong lakihan ang mga mata ko upang maiwasang mapapikit. Nang matapos si Sir. Piolo ay sumunod naman ang Math teacher namin.

As usual puro pagpapakilala at kaplastikan nanaman.
Marami siyang sinabi at walang kahit isa akong naintindihan. Nakikinig naman ako pero parang pasok sa tenga at labas naman sa isang tenga ang nangyari.

" Some students ay kinamumuhian ang Math. They said that Math always finding X kahit na alam naman daw nating sakit lang ang dulot nito sa atin. "
Only the twins react.  Ang iilan kasi dito ay hindi makarelate dahil libro at notes lang ang kaharap nila in their entire life. That's the life of being a nerd and a bookworm.

*Knock, knock, knock*

Sabay na napalingon ang iba sa pinto. Ipinikit ko ng kaunti ang aking mga mata at nang marinig ko ang tunog ng takong nitong paalis ay doon na ako kumuha ng tsansang umidlip sandali.

" Anong kailangan mo Nurse Aki ? "

"Gusto ko po sanang kausapin si Ms. Ti---"

" A-aaack!! A-ng sakit "
Sinadya kong lakasan ang boses para marinig ng lahat. Sapo ko ang aking noo at minamasahe ito habang pasikretong tumitingin sa labas ng pinto kung san nakatayo si Aki.

" A-aray ang s-akit ng ulo ko! "
Pumikit at ngumiwi ako para dama.
" Are you okay Ms. Deligero? "
Umiling ako ng ilang beses saka tumayo na parang nahihirapan.
" I-i need to go t-to the clinic with Nurse Aki."
Sumulyap ako sa kanila saka muling mariin na napapikit.
" A-aaack! Ang s-sakit! "

" S-sige sumabay kana sa kaniya "
Natatarantang tinulungan akong maglakad ni Ma'am hanggang sa makaabot kami ng pinto. Nang makalabas ako at maisara ni Aki ang pinto ay doon na ako umayos ng tayo na parang walang nangyari.

" Wow! Best actress goes to... Tentenenen! Ms. Timothy Arvin Deligero."
Sarkastikong sabi nito na may kasabay na palakpak.

" Tumahimik ka nga baka marinig ka "
Pinanlakihan ko siya ng mata na ginaya niya naman.
" Nyenyenyenye~ Ewan ko sayo "
Nauna na itong naglakad na sinundan ko. Kung sa paglalakad niya ay may kembot lalo na sa pagbaba namin ng hagdan ay meron.
' Hindi ba nangangalay 'yang balakang niya? \=∆=/ '

" Kung may plano ka nanamang matulog sa Clinic, pwes! Hindi pwede occupied lahat ng higaan kaya wala ka ng mahihigaan. "

" Okay "
Lumihis ako ng daan.

" Hoy! San ka pupunta?! "

" Sa lugar kung san wala ka "
Pabalang na sagot ko saka binilisan ang paglalakad.




Let Me Love You (On Going 🔄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon