IAA 17:SHE'S NOT WHAT HE THOUGHT SHE IS

94 6 3
                                        

A.N.: What's up guys?! Nandito na naman ang inyong nag-iisang author na ubod ng ganda. Charot! Medyo kalog ako ngayon kaya pagpasensyahan nyo na. Hahaha✌✌
Nga pala, dinededicate ko tong chapter na to kay... *chenchereren!* (sabog confetti 🎉) KyleSoy5 kasi hinihintay nya talaga na mag update ako haha...

Masyadong mahaba ang chapter nato kaya may part 2. Sa next chapter ang continuation ng chapter nato. Binabalaan ko lang kayo na boring ang chapter nato!

Enjoy reading!

TYLER'S POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Nakatayo malapit sa bintana, naninigarilyo.

Sabado ngayon at balak ko sanang makipag basag-ulo sa isang grupo ng mga gago kaso naisipan kong tumambay nalang dito sa bahay. Tinatamad akong umalis ngayon.

Bumuga ako ng usok ng sigarilyo na hawak ko at napatingin sa baba. Nasa taas kasi ang kwarto ko.

Nakita ko ang babaeng yun na papalabas ng bahay.

'Saan naman kaya balak pumunta ng babaeng to?'

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng gate.

'Lakwatserang babae.'

Tinapon ko ang sigarilyong hawak ko at pagkatapos nagmumog ako ng mouthwash. Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba. Nakita ko sina Ken at Blake sa sala na naglalaro ng XBox.
Si Alex naman at si Christian ay naguusap.

Maya-maya may dumating na maid na may hawak na telepono.

"Mga sir asan po si ma'am Demonica? Hinahanap po sya ng lolo nya. Hindi raw po sinasagot ni ma'am ang tawag ng lolo nya. May sasabihin daw pong importante."sabi ng maid.

"Pinuntahan mo ba sya sa kwarto nya? Baka nandoon sya."christian

"Sir pinuntahan ko na po. Nakalock po ang pinto. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot pero naririnig ko pong nagriring yung cellphone ni ma'am sa loob."yung maid

"Nakita ko sya na lumbas."napatingin sila saakin dahil sa sinabi ko.

"Sir kailangan po talaga syang makausap ng lolo nya."dagdag nung maid na sa akin na nakatingin.

Bat ako kinakausap nya? Ano? Uutusan nya akong pauwiin ang babaeng yon? Ayoko nga!

Hindi ko gusto ang babaeng yon. Ayoko sa kanya. Unang kita palang namin kumukulo ng ang dugo ko sa kanya.

"Tyler hanapin mo si Demonica at sabihing hinahanap sya ng lolo nya."christian

"Ano?!! Bakit ako ang inuutusan mo?! Alam mo namang ayaw ko sa babaeng yon! Hindi! Ayoko!"sigaw ko. Bahala sya sa buhay nya! Hindi ko sya hahanapin.

"Find her Tyler. May bagay kaming pinaguusapan ni Alex dito."sabi ni Christian na nakatingin saakin ng seryoso at gunun din si Alex.

"Bakit ako? Bakit hindi na lang yung dalawang ugok na naglalaro dun sa sala!"sabi ko at tinuro ang dalawang ugok pero pagtingin ko wala na silang dalawa sa sala.

=__=!

Aba lintek! Nawala na ang dalawang ugok dun sa sala. Umiiwas sa utos ang mga gago!

So ano? Ako ang maghahanap?! Talaga naman! Bwiset!

Lumukot ang mukha ko. Sinamaan ko sila ng tingin kasali na ang maid.

"Oo na! Bwiset!"

Padabog akong lumabas. Saang lupalop ko naman hahanapin ang pesteng babaeng yun?!

"Tabi!"

Lahat ng nakaharang sa dinadaanan ko binabangga ko. Paharang-harang sa daan! Mga bwisit.

I'm an ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon