IAA 17:SHE'S NOT WHAT HE THOUGHT SHE IS (part 2)

115 10 5
                                    

TYLER'S POV

"Anong ginagawa nyo?!!!"sigaw ni Ken.

"Akala ko ako lang ang fuckboy dito! Meron pala akong kapatid! Ikaw Tyler ah... Hindi mo sinabi na katulad pala kita! Atsaka sa lahat-lahat si Demonica ang napili mo. Ang hot ni Demonica at sobrang sexy kaya jackpot hohoho."blake

"Walangya ka Tyler! >o<!! Ahas ka! Mang-aagaw!"sigaw ni Ken sakin habang dinuduro ako.

"Mga ugok! Wala akong ginagawang masama! Ang beberde ng mga utak nyo!"sigaw ko sa kanila. Psh! Mga malisosyong tao.

"May kulay berde palang utak?? Ngayon ko lang nalaman yun ah... Hmm ma search nga mamaya..."rinig kong bulong ni Ken.

Tong gunggong nato ang hirap makagets.

"Ikaw na babae ka! Lumabas kana ng kwarto ko! Ok nako kaya umalis kana!"sigaw ko kay Demonica.

Hindi naman sya nagsalita at umalis na. Sumunod narin si Lester kay Demonica palabas pero naiwan parin dito sa kwarto ko si Blake at Ken.

"Oh ano pang tinutunganga nyo jan? Lumabas na kayo ng kwarto ko!"

"Haha okay okay.. Chill dude."sagot naman ni Blake saka hinila si Ken na masama ang tingin sakin palabas.

Ano na naman ang problema ng monggoloid nayun?

Nilock ko na yung pinto ng kwarto at pahiga na sana nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Istorbo! Pagod ako kaya bwisit ako ngayon!

Inis akong naglakad papunta sa pinto saka binuksan yon.

"Ano?!"asik ko.

Nakita ko si Ken na naniningkit ang mga mata at masamang nakatingin sakin. Nakalagay din ang mga braso nya sa dibdib nya.

"Oh anong problema mo monggoloid?"tanong ko kay Ken. Monggoloid na talaga tawag ko sa kanya dati pa kaya wag kayong epal jan.

"I'm watching you..."sabi nya at tinuro yung mga mata nya gamit yung dalawang daliri nya pagkatapos ay tinuro nya yung sakin.

"Edi wow."sabi ko.

Dahan-dahan syang naglakad palayo pero nakaharap parin sya sakin kaya hindi nya makita yung dinadaanan nya. Patuloy lang sya sa paglalakad ng naka ganun hanggang sa malapit na sya sa hagdan.

Wala pa yatang balak tumigil ang putek! Babalaan ko na sana sya kaso huli na. Nahulog na nga. Napasigaw pa sya nung mahulog sya.

Napaka tanga talaga kahit kelan.
Pinuntahan ko sya at nakitang nakapikit. Nagpapanggap na tulog ang ugok. Pumipirit-pirit pa ang mata.

"Hoy gising."sabi ko.

Hindi sya nagmulat kaya naman sinampal ko sya ng malakas. Napabalikwas agad sya ng bangon habang hawak-hawak yung pisngi nyang sinampal ko. Bumakat yung kamay ko sa pisngi nya at namumula pa sa sobrang lakas.

"Bat moko sinampal?!"sigaw nya.

"Ayaw mong gumising eh. Di ko na kasalanan yun."sagot ko.

Lumukot ang mukha nya pero maya-maya bigla syang natameme.

"Hoy monggoloid."tawag ko pero hindi sya sumagot.

"W-wala akong makita!"sigaw nya.

"Ha?"

"N-nabulag ata ako sa pagkahulog sa hagdan! Waaahh!!"sya

Nangapa-ngapa pa sya na parang wala talagang makita.

Tinignan ko yung hagdan na pinaghulugan nya. Hindi mataas. Limang baitang lang yun.

Limang baitang lang ay nabulag sya ng dahil dun? Ginagago ako ng gunggong nato!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm an ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon